PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
CONSISTENT ang mataas na ratings at positive na komento ng viewers sa comeback series ni Andrea Torres na Akusada.
Sey ng ilan sa GMA Network YouTube channel, “Bagay talaga sina Benjamin Alves at Andrea Torres kinikilig ako sa tambalan nila. Para akong bumalik sa high school days sa kilig hahaha! Thanks to these wonderful actors for portraying their roles well. Lahat sila magaling umarte kaya inaabangan ko talaga bawat episode. I love this series!”
Pero habang nagkakamabutihan ang dalawa, hindi naman maiwasang matakot ni Lorena (Andrea) na baka iwan siya ni Wilfred (Ben) kapag nalaman nito ang kanyang past.
Subaybayan ang teleserye mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com