MA at PA
ni Rommel Placente
MARAMING nagawang pelikula sina Rhian Ramos at JC Santos na love story ang tema.
Sa Meg & Ryan, bagong pelikula ng dalawa na sila ang magkatambal, tinanong sila kung ano ang kaibahan ng Meg & Ryan sa mga naunang love story na nagawa nilang pelikula.
Sabi ni JC, “First, bago sa akin itong script na ‘to. Na-enjoy ko siya. And habang binabasa ko siya, nararamdaman ko na ‘yung kilig and everything. And I’d like to work with Direk Catherine Camarillo. And ‘yung sinabi rin sa akin na si Rhian ang makakasama ko, sabi ko, this is gonna be a different flavor. Parang interesting ‘tong flavor na ito.
“Ang pinaka-nagustuhan ko, is I wanted to support the complex character of Rhian. Kasi ang hirap niyong role niya. At natuwa ako na.. ang sarap suportahan nito. At nagtagumpay siya roon, sa pag-portray ng kanyang role.
“At totoo naman, paulit-ulit kong sinasabi na ibang Rhian ‘yung mapapanood sa movie namin. Ngayon ko lang siya napoanood na ganoon. And ako, nag-enjoy ako, sobra.
Sabi naman ni Rhian, “Ako naman nagsimula siya from the script, nagustuhan ko ‘yung script. I really love…siguro ‘yun ‘yung weakness ko, I really love complex characters, especially ‘yung may flaws talaga.
“Napanood ko rin kasi ‘yung ginawa ni Direk Cathy, ‘yung movie nina David (Licauco) at Barbie (Forteza). And I found it, not only nakakikilig and entertaining, but also just visually beautiful. And sabi ko gusto kong maging part ng ganyang klase ng movie. And siyempre, I wanted to work with JC. So, those were the things kung bakit ko ginawa itong movie.
“There are so many different kinds of love stories kasi, and I felt like, this one needed to be told. Kasi, parang this is how I view love also eh, na lahat tayo may flaws, may pinagdaraanan tayong sariling journey with our mental health, and with ‘yung mga personal nating trauma sa buhay.
“And when you find a partner who can understand that about you, and not expect perfection, parang ayun, kaya I felt this is a love story that can be watched and told.”
Ang Meg & Ryan ay mula sa Pocket Media Films. Kasama rin sa pelikula sina Ces Quesada, CrIs Villanueva, Jef Gaitan, at Cedricka Juan.
Showing na ang pelikula sa August 6.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com