Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Lolit Solis 2

Mark binarag ng netizens, dumalaw sa lamay ng manager

MA at PA
ni Rommel Placente

DUMALAW si Mark Herras noong Lunes ng gabi ng burol  ng dati niyang manager na si Lolit Solis. At marami ang natuwa sa naging effort na ito ng aktor. At least, kahit may tampo siya kay Manay Lolit ay  nagawa pa rin niyang magbigay ng last respect.

Isinawalat noon ni Manay Lolit na nangutang sa kanya before si Mark ng P30k para ipambili ng gatas ng anak. At hindi pa raw iyon nababayaran.

Pero ayon kay Mark, binayaran niya na ang utang niya at three years ago pa ‘yung utang niya.

Nagtaka lang daw siya kung bakit ikinuwento pa ni Manay Lolit.

Ito ang naging sanhi ng tampo ni Mark kay Manayt Lolit.

Pero kung marami ang natuwa sa pagpunta sa burol ni Mark, marami rin naman ang hindi.

Sana raw, noong naka-confine pa sa ospital si Manay Lolit ay nagawa na niyang bisitahin, hindi ‘yung kung kailan patay na.

Kung ganoon ang ginawa ni Mark ay mararamdaman at makikita niya na na-appreciate siya ng dating manager.

Ang mga netizen talaga, hindi na lang matuwa na nagawa pa ring dumalaw ni Mark sa burol ni Manay Lolit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …