Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Rainbow Rumble

Luis aarangkadang muli sa pagho-host ng Raibow Rumble

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-HOSTING na si Luis Manzano matapos mabigo na magwagi bilang Batangas vice governor noong nagdaang 2025 midterm elections.

Ilang araw matapos ang eleksiyon, nag-post si Luis sa kanyang Facebook followers, kung ano sa kanyang tatlong shows ang nais nilang mapanood muli?

Binanggit niya ang Raibow Rumble, Kapamilya Deal or -Deal, at Minute To Win It.

Siguro ay mas maraming sumagot ng Rainbow Rumble, kaya naman ito ang balitang unang magbabalik sa ere.

Pansamantalang hindi napanood ang naturang show dahil naging abala si Luis sa kanyang pangangampanya noon at hindi pwedeng mapanood ng regular sa isang television show ang tumatakbo sa politics.

Sa kabila ng pagkabigo sa mundo ng politika, panalong-panalo naman si Luis sa mundo ng showbiz.

Bukod kasi sa pagbabalik ng Rainbow Rumble,  may chance rin ang dalawa pa niyang show na Minute To Win It at Kapamilya Deal or No Deal na magbalik na rin sa telebisyon.

Bago pa man ang kanyang pagsabak sa pagtakbo bilang bise gobernador ng Batangas, ay kaka-renew lang niya ng kontrata sa ABS-CBN. Kaya naman automatic na bibigyan siya ng show.

Bukod sa mga game show ay may mga product endorsement na rin si Luis na nakapila.

Kasabay naman ng pagbabalik ng TV host-actor sa hosting ay ang pagbabalik din sa pag-arte rin ng kanyang asawang si Jessy Mendiola sa isang teleserye na pinagbibidahan ni Gerald AndersonSins of the Father.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …