Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel ‘kinainisan’ ng faney

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman itong isang lalaking fan ni Daniel Padilla na taga-Marawi na nagtatampo dahil lokong-loko na raw sa aktor ang lahat ng girls sa Marawi.

Nag-post ito sa kanyang social  media account na ang sabi, “Hindi na kita idol, Daniel, kasi inubos mo lahat ng chix namin dito sa Marawi.”

Obviously, biro lang ito ng faney. 

At kaya naman nasabi niya ‘yun, dahil nang mag-taping sa Marawi ang cast ng seryeng Incognito, na isa si Daniel sa mga bida, ay talagang pinagkaguluhan siya roon ng mga babaeng faney. 

Ang daming lumalapit kay Daniel para makamayan at magpa-picture.

At kahit sa tinutuluyang hotel ni Daniel, ay nakabuntot at nakaabang ang mga babaeng faney niya. Mabuti na lang at hinaharap sila ng ex ni Kathryn Bernardo at nakikipagkwentuhan at nagpapa-picture sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …