MA at PA
ni Rommel Placente
NINETEEN years na pala sa showbiz si Kim Chiu. Isang taon na lamang at dalawang dekada na siya. Sa mga bagong henerasyon na artista, achievement na itong maituturing.
At bilang pasasalamat, nag-post ang aktres ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang social media, na sinumulan niya sa pagsasabing nangarap lang siya noong sumali sa Pinoy Big Brother.
“Nineteen years ago, I was just a young dreamer who wanted to be seen on television—no idea where life would take me, no certainty, just faith,” simulang post ni Kim.
Sino nga raw ang makaIisip na ang simpleng pangarap ay maisasakatuparan.
Nagpasalamat siya sa kanyang mga supporter, na mula sa unang pagtuntong niya sa PBB at hanggang ngayon, ay patuloy na sinusuportahan at minamahal siya.
“Your unconditional love, your cheers, your patience, your endless support in every projects, teleseryes, variety shows, concerts, movies, commercials, and even in the quiet moments—thank you.”
Walang sapat na salita para ilarawan, ani Kim ang kanyang nararamdaman dahil sobra niya itong na-appreciate lalo na sa mga panahong muntik na siyang sumuko dahil sa mga intriga noon.
Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang Panginoon na nagbigay sa kanya ng courage para magpatuloy at nanatiling mapagkumbaba.
“This life, this journey… it’s all because of You,” pagtatapos niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com