Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Chiz Escudero Howard Calleja

Dapat protector ka ng batas, hindi ng mga corrupt…
ANYARE CHIZ? — CALLEJA

060525 Hataw Frontpage

“ANYARE Chiz Escudero? Dapat nga protektor ka ng batas hindi protektor ng massive corruption!”

Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Howard Calleja kasunod ng pagtuligsa kay Senate President Francis “Chiz” Escudero kasabay ng akusasyon na masyado nang hinaharang sa loob ng apat na buwan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Magugunitang noong 5 Pebrero ay isinumite sa senado ang reklamo laban kay Duterte at isang oras matapos na matanggap ng senado ay ini-adjourn ni Escudero ang sesyon imbes magwakas sa 7 Pebrero  ng taong kasalukuyan.

“From February 5 to June 5, dapat tapos na ang impeachment. Pero ang daming kesyo ni Chiz, all of them lies and legal palusot because he wants the mid-term elections to deliver more pro-Sara senators who will acquit her,” ani Calleja.

“Now that the pro-Sara senators had been elected, Chiz wants to make sure it is the new 20th Congress, not the present 19th Congress, that will try Sara. Chiz has been protecting Sara all along and making sure she will not be made to account for the hundreds of millions of confidential funds she has stolen from the people, from the masa, from the taxpayers, from the voters,” dagdag ni Calleja.

Ipinaliwanag din ni Calleja, sa ilalim ng Konstitusyon ay nakapaloob na mayroong tungkulin at mandato  ang senado na sinasabing “forthwith” o agarang magsagawa ng paglilitis laban kay Duterte simula pa lamang noong 5 Pebrero ngunit sa loob ng apat na buwan ay walang nangyari  at pawang “partying at mouthing empty legalities”.

“Chiz, in trying to protect Sara, is protecting corruption. He doesn’t care about the people but only about himself and the votes he could get in 2028 from the Duterte camp at the very least,” giit ni Calleja.

Nahaharap sa impeachment trial si VP Sara matapos patalsikin sa kongreso dahil sa nilustay na P600 milyong confidential funds at paggamit ng mga pekeng pangalan bilang recipients gaya ng ‘Mary Grace Piattos’ at nitong huli’y nakaladkad din ang pangalan ng aktres na si Marian Rivera, at congressman-elect Chel Diokno. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …