Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  dahil sa mga iregularidad na nangyari sa nakaraang halalan na ilang milyong mga balota ang hindi nabilang at hindi pagtugma ng bilang sa mga balota at resulta nito.

Sa isinumiteng complaint letter  na ipinadala kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., isang partylist leader na si Jeffrey Santos ang nagsiwalat na ang ginamit na automated counting machines (ACMs) na pag-aari ng Korean firm Miru Systems Inc., ay kinabibilangang ng ilang prominenteng tao kung kaya’t ang ilang kandidato ay nanalo sa eleksiyon na may malaking  boto.

Ilan sa mga tinukoy ay mga prominenteng politiko na may koneksiyon umano sa Miru Systems Inc., na maaaring may kinalaman umano sa anomalya sa paggamit ng ACM machines.

Ayon sa pinirmahang complaint letter ni Santos, ang resulta ng partylist ay minanipula ng mga taong may kaugnayan o parte sa operasyon ng Miru system upang makaseguro sila ng boto at makapuwesto sa kongreso o sa senado.

Bukod kay Santos, ilang mga miyembrong organisasyon tulad ng Makabayan coalition ang agarang humiling ng masusing imbestigasyon sa mga alegasyon ng irregularities na naganap noong araw ng halalan.

Nagpahayag ang mga grupong ito ng matinding pag-aalala tungkol sa ilang automated counting machines (ACMs) na iniulat na nagpakita ng maling kabuuang boto at tumanggi sa mga balota.

Dahil dito, nagkaroon ng panawagan para sa detalyado at maingat na pagsusuri ng mga isyung ito upang matiyak ang integridad ng proseso ng halalan.

Nanawagan na rin ang ilang grupo para sa mano-manong pagbibilang ng boto upang malaman ang totoong resulta ng halalan imbes ang mga automated counting machines, na posibleng may resulta bago pa magsimula ang pagboto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …