Tuesday , April 29 2025
TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya
PUMAPALAKPAK si TRABAHO partylist nominee Ninai Chavez (ika-pito mula sa kaliwa) sa ginanap na proclamation rally sa Zamboanga.

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula Luzon hanggang Mindanao.

Kasama ang kanilang celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco at first nominee Atty. Johanne Bautista lulan ng motorcade, nakipiyesta ang grupo sa Navotas sa hapon ng Abril 6.

Kinagabihan bago ang kaarawan ni Cantiveros-Francisco, tumuloy ang grupo sa Navotas Fisheries Port Complex upang ibahagi sa libo-libong mangingisda, batilyo, biyahero, at mga mangangalakal ang kanilang adbokasiya na palakasin pa ang fishing industry at mabigyan sila ng sapat na sahod.

Sa parehong araw, si second nominee Ninai Chavez naman ay lumipad pa-Zamboanga del Norte bitbit ang kanilang plataporma upang suyuin ang mga lokal sa grand proclamation rally na pinangungunahan ni incumbent Mayor Darel Uy.

Samantala, si third nominee kagawad Nelson de Vega ay dumako sa Santiago, Isabela at nagtalumpati sa harap ng lagpas isang libong manggagawa para mabigyang-diin ang hangarin ng grupo na paramihin ang mga trabahong may competitive na sahod sa mga probinsiya, pati na rin sa mga liblib na lugar upang hindi na kailangan mapalayo pa ang kanilang mga pamilya.

Maging ang mga miyembro at tagasuporta ng TRABAHO ay tulung-tulong rin sa pangangampanya sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay sa Metro Manila pati na rin sa mga karatig probinsiya.

“Mas lalo po nating nararamdaman ang kagustuhan ng publiko sa pagreporma ng mga batas upang mapabuti pa ang mga kondisyon sa pagtatrabaho pati na rin ang madagdagan ang sahod at benepisyo ng lahat ng manggagawa,” pagsasaad ng tagapagsalita ng grupo na si Atty. Mitchell Espiritu ukol sa umiigting na nationwide campaign ng TRABAHO.

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …