Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos pumalag sa mga powerhouse teams tulad ng San Beda Swimming Team at National Academy of Sports sa ginanap na League of Champions III – Easter Special sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Ang naturang kumpetisyon ay hindi ordinaryong torneo—ito ay isang “open category” na walang klasipikasyon (Class A, B, C, o D) kaya’t patas ang laban sa bawat age group. Ito ay isang pagbabalik sa dati ngunit mas pinatapang na format na huling ginamit pa ng dating NSA, ang Philippine Swimming Inc. (PSI).

Ang karamihan sa mga atleta ng SLP Patriots ay mula sa Developmental Grassroots Program, na ngayon ay nagiging mukha ng pagbabago sa swimming sa bansa. Ang kumpetisyong ito ay hindi lamang tungkol sa medalya, kundi sa pagbibigay ng oportunidad sa mga batang atleta na ipakita ang kanilang potensyal sa mas mataas na antas.

Pinangunahan ang League of Champions III ng dating Philippine Olympic Coach Archie Lim at ng CAL Swim School, sa pakikipagtulungan ng CNLCSCA sa ilalim ni William “Biboy” Asturias, Pangulo ng CNLCSCA at Region III Director ng PAI, katuwang ang Swim League Philippines na pinamumunuan ni Fred Galang Ancheta, SLP President at PAI NCR Regional Director.

Ayon kay Fred G. Ancheta:

“We need to level-up and be at par with our neighboring countries, we cannot remain mediocre, we owe it to our swimmers, coaches, parents who believe in us, we owe it to our country. We need a concrete, strategic and inclusive program, a platform where our athletes can excel.”

Kabilang sa mga lumahok ang ilan sa mga miyembro ng National Junior Swimming Team gaya nina TJ Amaro at Riannah Coleman, mga batang inaasahang dadala ng bandera ng Pilipinas sa international stage.

Itinanghal na Most Outstanding Swimmer – Girl’s Category sina Julianne Santiago, Evie Pollyanna Sta. Clara, Luisa Brielle Francisco, Gabrielle Angela Pereja, Feliz Mae Gajo, Maya Andrea Aglibut, Rianna Frances Montesa, Dominique Savilla, Kyrie Alessandra dela Cruz, Elizabeth Naomi Carvajal, Jordane Porsche Sales, Csariah Lemon, Ar-N Gwen Cheriz Mayo, Riannah Chantelle V. COleman, Shinloah Yve San Diego, Anaia Mikaela K. Lim, Trixie Ortiguera at Jindsy Azze M. Dasion.

Nanguna naman sa Boy’s Category ang mga manlalangoy na sina Mateo Rohan Estavillo, Ramon Inigo del Rosario, Alexander James Sison, Johan Sebastian Balois, Paolo Lorenzo Obial, Adam delos Reyes, Jaezen Graig Gumbawan, Ethan Joseph Parungao, Arch Rafael Ontoy, Benito Mari de Mesa, Jazzeff Liam Lozada, Jericho Gabriel Santos, Alfonso Joaquin de Mesa, Jet Dery Berueda, Sebastian Zeithe Baluyut, Shiblon A. Montera, Albert Jose D. Amaro II, Nimrod Montera, Jennuel Booh de Leon, Von Antolin at Aristotle Lim.

Ang tagumpay ng mga grassroots swimmers ay patunay na hindi hadlang ang kakulangan sa exposure kung may tamang programa at tiwala sa sariling kakayahan. Inaasahan na ang mas malalaking tournaments ay magaganap pa sa mga darating na buwan, sa suporta ng mga pangunahing koponan at coaches sa bansa.

#ChampionsCupIII

#CALSwimSchool

#SwimLeaguePhilippines #SLP

#CNLCSCA #UnitedWeSwim

#DrownFreePhilippines

#blueandgreensportsprogram

#GrassrootsSwimming

#grassrootstogold

#PhilippineSwimming

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …