Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sam Milby Rhea Tan Beautederm

Jennylyn, Dennis, at Sam, super-thankful sa Beautéderm CEO na si Rhea Tan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING pinasaya sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby sa ginanap na block screening ng pelikulang pinagbibidahan nilang tatlo, titled “Everything About My Wife”.

Kinilig ang maraming fans sa tatlo, kaya bago pa man magsimula ang screening ng movie nila ay nagpa-picture na ang fans sa kanila.

Nangyari ito last March 6 sa SM City Telabastagan sa Pampanga.

Ito ay courtesy ng Beautederm CEO and founder na si Ms. Rhea Anicoche Tan. Sina Jennylyn at Sam ay mga Beautederm ambassadors, samantala, ang award-winning actor na si Dennis ay makabibilang na rin very soon sa maraming showbiz stars na bahagi ng Beautederm family.

Si Jennylyn ang face ng Beautéderm’s Cristaux line, samantala, si Sam ay ine-endorse ang Slender Sips Coffee.

Pagdating pa lang ng tatlo sa venue ay mahigpit na nagyakap agad sina Ms. Rhea at Jennylyn. Beso-beso naman ang dalawang aktor kay Mam Rhea.

Super-thankful sina Jen, Dennis, at Sam sa lady boss ng Beautederm dahil sa pagmamahal at pagiging supportive sa kanila ni Ms. Rhea.

Ang tatlong stars ng Everything About My Wife ay ipinahayag ang labis na pasasalamat kay Ms. Rhea nang ipakilala niya ang tatlo sa mga nasa loob ng sinehan bago magsimula ang pelikula.

Ayon kay Sam, “Of course, thank you sa aking Beautederm family, Mam Rhea thank you for having us and yeah… so good to be here.”

Pahayag ni Jennylyn, “Sana ay ma-enjoy ninyo ang pelikula namin. Ate Rei, maraming salamat sa pa-block screening mo. Talagang mahal na mahal mo kami.  I love you, thank you so much.”

“Hello, good afternoon po sa inyong lahat… Maraming salamat po ate Rei at sa lahat ng mga taga-Beautderm na nandito para sumuporta, sana po ay magustohan n’yo ang aming pelikula,” wika naman ni Dennis.

Sa aming panayam sa kanila, sobrang saludo ang tatlo sa kakaibang generosity at pagsuporta sa kanila ni Ms. Rhea.

Ani Jennylyn, “Nagpapasalamat kami sa walang sawang suporta, mula kay Dennis para sa Green Bones, hanggang dito sa pelikula naming tatlo nina Sam, nandiyan pa rin siya para sumuporta talaga.”

Pahayag ni Dennis, “Siyempre masayang-masaya, lalo na simula last year pa, iyon nga sa pelikula namin mula Metro Manila Film Festival pa… hanggang ngayon at sana sa mga susunod pang projects. Talagang grabe ang suporta ng Beautederm, kina Mam Rei. Maraming salamat sa suporta at sa buong Beautederm Team, thank you sa inyong lahat.”

Ano ang reaction niya na ipinapakilala na rin siya bilang kapamilya ng Beautederm? “Salamat, ang sarap maging parte ng isang grupo at pamilyang ito,” pakli ni Dennis.

Naramdaman na rin ba niya ang alagang Beautederm, kahit hindi pa siya officially part nito? “Oo, iyon na nga e, hindi pa man ay grabe na. Ano pa kaya kapag tuloy-tuloy na talaga. Kaya sobrang exciting sa mga mangyayari pa in the future with Beautederm. Kaya thank you sa pagtanggap sa akin sa pamilyang ito,” aniya pa.

Pinuri rin ni Sam ang sabrang kabaitan at pagiging supportive ni Ms. Rhea.

“Yeah, same… I’ve been a part of Beautederm for over three years? And ever since she’s napakabait talaga, sobrang bait. Grabe siya, napaka- generous at napaka-supportive and super-thankful kami for the support she’s given us para sa movie namin.”

Sa panig naman ni Ms. Rhea, ito ang kanyang FB post na nagpapahayag kung gaano siya ka-proud sa kanyang mga ambassador.

“Proud Mommah Ate to all my Beautéderm Babies!! Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Sam Milby, Congrats again my Loves! #EverythingAboutMyWife

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …