Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris balik-trabaho, 3 araw bed rest

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT simple ay naging memorable para kay Kris Aquino ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong February 14, na nagkataong Valentine’s Day din. 

Dinagsa siya ng mga regalo, flowers, stuffed toys at iba pa mula sa mga nagmamahal sa kanya.

“I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all- I thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery,” caption ni Kris sa kanyang IG account.

Abangers naman ang mga faney ni Kris kung kailan ba talaga siya babalik sa trabaho. Last year kasi ay nasabi niyang baka makaya l niyang bumalik sa telebisyon pero hindi ‘yun nangyari. Naiintindihan naman ‘yun ng kanyang mga taga-suporta dahil sa pabago-bago ring lagay ng kanyang kalusugan. 

Sa post naman ng malapit niyang kaibigan, ang dating showbiz editor na si Dindo Balares, sinabi nitong sinubukan ni Kris na magbalik sa trabaho. Pero kasunod daw nito ay nag-bed rest si Kris for three days. 

Hindi na siya nagsabi pa ng detalye kung ano ang work na ginawa ni Kris at hindi naman siya pwedeng magbigay ng details. 

The fact na kinaya ni Kris na mag-work kahit isang araw, napakagandang senyales nito. Na ibig sabihin ay bumubuti na siya talaga. 

Dasal ng kanyang fans na sana nga ay  magtuloy-tuloy na ang magandang pakiramdam ni Kris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …