Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catriona Gray Moira dela Torre

Catriona ‘di raw pinansin, nilampasan si Moira

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA aminin man daw o hindi ni Catriona Gray, inisnab daw nito si Moira dela Torre sa isang event. Very obvious daw kasi na may “something” sa tila pande-deadma niya rito.

Base sa kumakalat na video, makikitang sa pagtawag kay Cat at pag-akyat nito sa stage ay nakipag-beso ito sa tila mga executive ng isang event. Then nang lumapit na ito sa nakatayong mga female celebrity na naroon si Maricel Soriano at katabi nga si Moira, hinawakan niya sa braso ang Diamond Star, sabay lampas kay Moira at dalawa pang girls na hindi namin kilala.

Then , umupo na siya sa naka-reserbang chair for her sabay hawak ng mikropono at nagsalita.

Napuna ito ng netizen at sinabi ngang halatang-halata ang galawang pang-iisnab sa singer.

Bago ang naturang event ay nag-viral ang usapin sa umano’y pag-unfollow ng maraming mga taga-Cornerstone artist kay Moira  na dati nilang co-artist sa nasabing artist group.

Lumabas nga ang names nina Erik Santos, Yeng Constantino, Sam Milby at ilan pang artists na umano’y dating ka-close ni Moira.

Nagtataka man ang marami, pero sa pagkakataong ito ay nabuo sa kanila ang noon pang usapin sa pagka-maldita umano ng singer. Na kesyo may attitude ito or may something na hindi maganda pagdating sa pakikisama.

Hmmm…kaya pala ang dali-daling maikonekta sa Catriona issue dahil may mga naunang nagpapatunay na “unwelcome” na nga ang singer  sa dati nitong mga kasamahan.

Which leads us to asking, nasaan na kaya si Moira ngayon? Tuluyan na kaya siyang nalasing o nakatulog sa tagumpay gaya nang mala-lasing o inaantok niyang style sa pagkanta?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …