Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF 50

MMFF 2024 bigong malampasan kita ng 2023

MA at PA
ni Rommel Placente

BALITA namin, kompara noong nakaraang taon ay mababa ang kinita ngayon ng Metro Manila Film Festival 2024. Kung mai-extend man siguro ay ‘yung malakas na lamang na pelikula tulad ng And The Breadwinner Is ni Vice Ganda ang patuloy na kikita.

Malaying-malayo raw ang resulta ng MMFF 2023 na nag-extend pa dahil sa tuloy-tuloy na malakas ang mga pelikulang kalahok last year.

Malaki ang agwat noon ng top-grosser na Rewind na halos isang bilyon ang kinita.

Ngayong taon ay nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is, pero kung pagbabasehan sa resulta sa takilya ng mga pelikulang nagawa ni Vice before ay mukhang hindi ganoon kalaki ang kinita nitong huli.

Hindi naman naglalabas ng official figures ang MMFF pero may nagtsika sa atin na as of  Jan. 3 ay naka-P270-M pa lang itong pelikula ni Vice, although malaki na rin naman ‘yun. 

Pero kung iisipin pa rin ang pelikula lang ng TV host comedian ang tiyak makababawi. 

Ang layo nga  raw ng pumangalawa na naka-P100-M pa lamang. 

Sa mga lumabas na figures at ranking sa social media ay hindi raw ito official. Kaya abangan na lang natin ang official announcement ng MMFF Executive Committee o ng MMDA ni Atty. Don Artes.

Hindi nga raw natupad ang wish sana ng MMFF na malagpasan ang kinita ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa ganitong resulta ng MMFF, matuloy pa kaya ang Summer MMFF?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …