PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25.
Sa round na ito, 100% pasabog ang naging kuwentuhan ni Korina Sanchez-Roxas with Rachel Alejandro at may pa-bonus pa ang singer na exclusive house tour.
Trulili ba na ang kantang Paalam Na ay break-up love letter sa kanya ng ex niya?
Sa kasikatan niya, muntik na niyang isuko ang kanyang karera dahil sa kanyang pamilya, ano ang nangyari?
Paano naman ang buhay niya sa New York?
Kamusta naman ang kanyang love life with her hubby?
Lahat ikukuwento ni Rachel ngayong Linggo na Korina Interviews, 6:00 p.m. pagkatapos ng romantic comedy na Goodwill, on Net25.