Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

122024 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag sa  Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 si Malabon Representative Jaye Lacson Noel, asawa nitong si Florencio “Bem” Noel, at kasabwat na kagawad dahil sa pagre-repack ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa mag asawang Noel kasamang inireklamo ang isang kagawad Romulo Cruz.

Batay sa reklamo ni Rogelio Gumba, inamin nito na siya mismo ang inutusan ng kongresista na i-repack ang DSWD relief goods para sa mga naapektohan ng bagyong Carina.

Makaraan ang kanilang ginawang repacking, kasama sa tumulong si Cruz, ay saka nila dinala sa “White House” o ang headquarters ni Noel sa Tonsuya, Malabon.

Ani Gumba, ang bagong repacked na family food pack ay kanilang inilagay sa plastic bag na ipinamahagi ng mag-asawang Noel sa Brgy. Longos, Hulong Duhat at Tinajeros.

Inamin niya na mayroong kasamang canned goods ang relief goods ng DSWD ngunit hindi nila ito isinama sa kanilang ini-repacked, aniya, mayroong mga social media posts ang kampo ng kongresista ukol sa pamamahagi nito ng relief goods sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina.

Una nang sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ilegal ang pag-tamper at repacking ng family food packs (FFPs).

Aniya, walang karapatan ang kahit na sino na bawasan ang laman ng kanilang ipinamamahaging ayuda.

Ang bawat FFP box ay mayroong DSWD seal at may espesipikong laman gaya ng 6 kilong bigas, 4 canned tuna, 2 sardinas, 4 corned beef, 5 sachets ng 3-in-1 coffee at 5 sachets ng cereal drink na dapat ay kompletong makukuha.

Sa ilalim ng Section 19 ng Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management ang mapapatunayan na nag-repack o nag-tamper sa mga relief goods ng gobyerno ay maaaring patawan ng multa na hanggang P500,000 at pagkakakulong ng 6 hanggang 12 taon at diskalipikasyon na makapagtrabaho sa gobyerno.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang mambabatas ukol sa reklamo laban sa kanilang mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …