Wednesday , November 20 2024

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, sa lungsod ng Caloocan, nitong Lunes ng umaga, 18 Nobyembre.

Ayon sa saksi, nagkakape sa lugar ang biktimang kinilalang si alyas Juanito nang may humintong motorsiklo sa kaniyang harapan saka siya pinaputukan ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, apat na beses pinaputukan ng suspek ang biktima sa kaniyang likuran gamit ang baril na 9mm.

Ayon kay P/Capt. Mikko Arellano, commander ng Caloocan City Police Sub Station 4, tila alam ng biktima na may masamang mangyayari sa kaniya simula pa noong Setyembre.

Aniya, nakita sa cellphone na hawak ng biktma na mayroon itong sinabi na kung may mangyari sa kaniya ay hanapin ang isang alyas Henry.

Sa pagre-review sa mga kuha ng CCTV, nakitang patakas mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang lalaking sakay ng pulang motorsiklo at sa tulong ng mga nakakita at impormante, natukoy ang gunman.

Agad na pinuntahan ang mga posibleng tinutuluyan nito sa Pampano at Maya-maya St., sa Brgy. Longos, Malabon kung saan inabutan ng mga pulis ang asawa ng suspek.

Pinatotohanan ng misis ng suspek ang ginawa ng kaniyang asawa at sinabing makikipagtulungan sa pulisya para sa agarang ikareresolba ng kaso.

Nadakip ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Napag-alamang matagal nang may alitan ang suspek at biktima na nagsimula noong nagkasama sa kulungan ang dalawa.

Ayon sa anak ng biktima, nakatatanggap din ng pagbabanta sa kaniyang buhay ang kanilang ama dahil sa onsehan sa ilegal na droga.

               Dagdag ng PNP, may dati nang kaso ng murder, illegal possession of firearms, at nakulong dahil sa ilegal na droga ang suspek.

               Dating nakulong ang biktima dahil sa ilegal na droga.

Pahayag ng suspek, hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang ginawa dahil ipinagtanggol lamang niya ang sarili.

Aniya, madalas na silang magtalo habang nakakulong at binantaan rin umano siya ng biktima at nauna nang pinaputukan ng baril kasama ang kaniyang anak.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Caloocan City Police habang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang ginamit na baril ng suspek sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …