Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong public market sa Carmen, North Cotabato pinasinayaan ni Lapid

PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang inauguration ceremony ng bagong pampublikong palengke sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato.

Sa pamamagitan ng kanyang tanggapan, pinondohan ni Senador Lapid ang nasabing proyekto na ini-request nina North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at Cong. Alana Samantha Taliño-Santos.

Ayon kay Engr. Saidale Mitmug ng DPWH-Cotabato 3rd District Engineering Office, nasa P50-milyon ang halaga ng proyekto na itinayo sa loob ng 325 araw.

Sa kanyang talumpati, inaasahan ni Lapid na malaki ang maitutulong ng bagong palengke sa mga residente ng Carmen at mabibigyan ng maayos na kita at hanapbuhay ang mga vendor dito.

Nagpasalamat sina Gov. Mendoza at Carmen Mayor Rogelio Taliño kay Senador Lapid sa kanyang naibigay na mahalagang proyekto sa kanilang bayan.

Matapos ito, dumalo si Lapid sa pagdiriwang ng 68th founding anniversary ng bayan ng  Carmen, kasama ang local officials at mga kawani ng munisipyo sa “Pabongahan sa Kalsada” program.

Nagbigay si Lapid ng P100,000 bilang karagdagang papremyo sa street dance competition sa Carmen. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …