Friday , November 22 2024
MTRCB
MTRCB

Age appropriate ratings ipinalabas ng MTRCB sa mga pelikulang mapapanood sa big screen

INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “mga rating na naaangkop sa edad” o “age appropriate ratings” para sa mga pelikulang mapapanood sa silver screen ngayong linggo.

Isang lokal na pelikula na ginawa ng Channel One Global Entertainment Production, ang Seven Daysang nakakuha ng PG (Parental Guidance) rating. Ang review committee na binubuo ng MTRCB Board Members (BM) na sina Juan Revilla, Glenn Patricio, at Fernando Prieto ay nagsabing ang materyal ay naglalaman ng mga tema ng kidnapping at mental torture na nangangailangan ng pangangasiwa at paggabay ng magulang para sa mga batang wala pang 13 taong gulang.

Pinapayuhan ng Chairman at CEO ng MTRCB na si Lala Sotto-Antonio ang mga magulang o nangangasiwa na nasa hustong gulang na “sa ilalim ng PG classification, ang isang pelikula ay maaaring maglaman ng mga tema, wika, karahasan, kahubaran, kasarian, o horror, na ang pagtrato ay hindi angkop para sa mga napakabatang manonood.”

Ang Survive  na ginawa ng 888 Films ay nakakuha rin ng rating na PG mula sa review committees na binubuo nina Jose Alberto, Bobby Andrews, at Mark Anthony Andaya. Anila ang pelikula ay naglalaman ng maikli at madalang na paglalarawan ng horror at nakatatakot na mga eksena, banayad at madalang na pagmumura, pananakot na pananalita, minimal at hindi graphic na paglalarawan ng karahasan at pagdurusa na nangangailangan ng pangangasiwa ng magulang para sa mga manonood 12 at mas mababa.

Samantala, ang pelikulang Speak No Evil ay nakatanggap ng R-13 mula sa review committees na binubuo nina BMs Antonio Reyes, Jan Marini Alano, at Federico Moreno na nagpaliwanag na ang pelikula ay naglalaman ng mga paglalarawan ng mga nakatatakot na eksena, madalang at hindi graphic na paglalarawan ng karahasan.

Sa ilalim ng klasipikasyon ng R-13, ang edad na 12 pababa ay pinaghihigpitang manood ng pelikula.

Nagkamit ng parehong rating ang Hellboy: The Crooked Man na ginawa ng Viva Communications.Ang review panel na binubuo nina Reyes, Patricio, at Michael Luke Mejares ay nagsabi na ang pelikula ay naglalaman ng mga paglalarawan ng horror, nakatatakot na mga eksena at paminsan-minsang gore. Katulad nito, ang Usher: Rendezvous in Paris na nakakuha din ng R-13. Ang review committee na binubuo nina Reyes, Wilma Galvante, at Racquel Maria Cruz, ay nagpaliwanag na ang materyal ay naglalaman ng maingat, madalang, maikli, at hindi graphic na paglalarawan ng mga sekswal na gawain na hindi angkop para sa mga batang wala pang 13 taong gulang.

Ang horror movie na Strange Darling ng Pioneer Films ay nakakuha ng Restricted-16 na rating. Ang mga R-16 na pelikula ay para lamang sa edad 16 pataas. Ang materyal ay sinuri nina Mejares, Cruz, at Alberto, na nagsabing ang horror movie ay may graphic ngunit hindi basta-basta na paglalarawan ng karahasan at gore, wika, hindi graphic na paglalarawan ng sekswal na aktibidad, at hindi-gratuitous na paglalarawan ng droga o paggamit ng mga ito .

Tiniyak ni MTRCB Chair Sotto-Antonio sa publiko na ang mga rating na tinutukoy ng lupon, ay itinuturing na angkop para sa mga manonood ng mga partikular na pangkat ng edad. Hinikayat din ng hepe ng ahensya ang lahat na maging responsableng manonood at gabayan ang mga batang wala pa sa mga paghihigpit sa edad para maging matalino at may kaalaman sa bagong henerasyon ng mga Filipino patungo sa Bagong Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …