Friday , November 22 2024
Her Locket Sinag Maynila

Her Locket Big Winner sa 2024 Sinag Maynila

WALONG tropeo ang naiuwi ng pelikulang Her Locket sa katatapos na ika-anim na edisyon ng Sinag Maynila kabilang ang Best Film noong Linggo sa Manila Metropolitan Theater.

Pasabog ang pagbabalik ng Sinag Maynila na nagdiriwang ngFilipino cinematic excellence matapos itong mawala ng apat na taon.

At sa kanilang pagbabalik matagumpay na nairaos ang pagpapalabas ng mga kalahok na pelikula. At sa katatapos na Gabi ng Parangal big winner ang Her Locket.

Nakuha ng Her Locket Best Screenplay, Best Production, Best Cinematography para kay Jag Concepcion, Best Ensemble Acting, at Best Supporting Actress para kay Elora Españo. 

Itinanghal ding Best Director si J.E. Tiglao samantalang nakuha rin ng pelikulang Her Locket ang Best Actress award, mula sa magaling na pagganap ni Rebecca Chuaunsu.

Makahulugan naman ang tinuran ni Rebecca noong gabing iyon sa kanyang speech.

Aniya, “‘Her Locket’ has been in my mind for the past 32 years. Nine years ago, when I applied to be in the directing class of the director Brillante Mendoza … the staff texted me back, giving me five compelling reasons why Direk Brillante has to accept you as a directing student.

I said I don’t have five reasons — I have only one compelling reason. If I don’t produce my movie, I cannot breathe. So tonight, I can finally breathe.”

Itinanghal namang 3rd Best Short Film ang Ang Maniniyot ni Papa Jesus; 2nd Best Short Film ang Bisan Abo Mabilin; at 1st Best Short Film ang As the Moth Flies.

Sa documentary category, ang INO ang nakapag-uwi ng Best Documentary award, samantalang ang dalawang Jury Prizes ay ibigay sa Pag-Ibig and Mananaig at Ghost of Kalantiaw.

Narito ang kompletong listahan ng mga  nagsipagwagi sa 2024 Sinag Maynila Gabi ng Parangal:

Short Film Category

– 3rd Best Short Film: Ang Maniniyot ni Papa Jesus  

– 2nd Best Short Film: Bisan Abo Mabilin  

– 1st Best Short Film: As the Moth Flies

Documentary Category

– Best Documentary: INO 

– Documentary Jury Prize: Pag-Ibig ang Mananaig  

– Documentary Jury Prize: Ghost of Kalantiaw

Full-Length Film Category

– Best Film: Her Locket  

– Best Screenplay: Her Locket – JE Tiglao  

– Best Production: Her Locket  

– Best Cinematography: Her Locket – Jag Concepcion  

– Best Editing: Banjo – Bryan Wong  

– People’s Choice Award: Talahib  

– Best Actor: Ronnie Lazaro – The Gospel of the Beast  

– Best Director: JE Tiglao – Her Locket

– Best Ensemble Acting: Her Locket  

– Best Actress: Rebecca Chuaunsu – Her Locket 

– Best Supporting Actress: Elora Españo –Her Locket

About hataw tabloid

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …