Sunday , December 22 2024
Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na pagbatikos sa sinasabi nyang mga corrupt at tiwaling namumuno noon sa lungsod, pero hanggang ngayon ay wala siyang naipakukulong, o pormal na nasampahan ng kaso sa Ombudsman o sa alinmang sangay ng hukuman.

Pahayag ito ng bagong tatag na ‘Tayo Pasigueño Movement,’ isang sectoral organization para sa tapat na serbisyo, bilang pagsusog at suportang reaksiyon sa panawagan sa social media ng mga residente na kailangang “ipakita ng punong-lungsod ang mga sinasabi nyang pagbabago hindi sa salita kundi sa gawa.”

Sa Facebook page na Taga-Pasig Kami ay hinikayat si Sotto na basahin ang ‘open letter’ na madamdaming nagpapaalala sa alkalde na kailangan niyang mag-move on, at ihinto na ang mga paninira sa nagdaang administrasyon.

“Bukambibig n’yo lagi na corrupt ang mga nagdaang administrasyon, pero ni isa ay wala kang kinasuhan at napakulong, nang ihalal kang councilor ng Pasig ay hindi namin narinig ang boses mo para ipagtanggol kami sa mga sinasabi mong corrupt. Tikom ang bibig mo. Noong 2019 ay saka ka lang nag-ingay nang tatakbo kang mayor at siniraan mo lahat na nagdaang mayor, wala kang pinuri ni isa na akala mo ay ikaw lang ang magaling at ang aming pag-asa,” saad ni Jenifer De Leon sa kanyang open letter sa Facebook kay Sotto.

“Pangatlong term na itong hinahangad mo, pero hindi ka maka-move on sa Past, lahat ng interview mo ngayon sa media ay ‘yan ang ginagawa mong issue. Ngayon na ikaw ang kinasuhan dahil sa mga mali mong desisyon at nagawa ay pilit mo pa rin itinatanim sa aming isip na kagagawan ng kalaban mo sa politika, at pilit mong itinatanim sa amin na kinakawawa ka. Bawal na ba kaming magreklamo dahil ang sabi mo ay matuwid ka?” tanong ni De Leon.

Ang mga kasong binanggit sa open letter ni De Leon, na binatikos din ng Netizens, ay ang mga naisampa nang asunto sa Ombudsman laban kay Sotto na umano’y maanomalyang pagbigay ng 100 percent na discount sa bayaring multa sa isang telco at ang umano’y P17.2 milyong eskandalo sa pamimigay ng 452nd Anniversary t-shirts imbes P1,500 cash allowance bawat isa sa mahigit 11,000 kawani ng LGU.

Maging ang kontrobersiyal na P9.6 bilyong city hall complex ay ipinaalaala rin sa open letter na kaysa magarbong proyekto na pinondohan mula sa buwis ng Pasigueños ay dapat ang mga higit na pangangailangan ng nakararaming residente, lalo na ng maralitang sektor, ang naunang inasikaso ng LGU tulad ng ospital at mga health centers na kompleto sa gamot at mga medical instruments.

Sang-ayon naman at sumusuporta ang ‘Tayo Pasigueño’ sa ipinahayag na hinaing ng nitezens sa pagsabing “kailangang ihinto ni Sotto ang pagtago ng kanyang mga pagkukulang at maling desisyon sa pamamagitan ng pagturo sa umano’y mga katiwalian ng nagdaang namumuno sa lungsod na kailanman ay wala pa siyang naipakulong o nasampahan man lang ng kaso.

“Mas makabubuti para sa lungsod na harapin na lamang ni Sotto ang mga kasong pormal na naisampa laban sa kanya at itigil na ang pagtuturo sa mga sinasabi nyang corrupt na mga namumuno noon, imbes gamitin niya itong kublihan ng kanyang mga pagkukulang sa tamang serbisyo sa mga Pasigueño,” pahayag ng TPM spokesman na si dating konsehal Mario “Junjun” Concepcion, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …