Friday , November 15 2024
Tom Lantion Sarah Rowena Discaya Curlee Discaya Mario Concepcion, Jr Reynaldo Samson, Jr
SI PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS secretary general Tom Lantion habang pinanunumpa bilang mga bagong miyembro ng PFP mula sa Pasig City ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya (pangatlo at pang-apat mula sa kanan), kasama ang kilalang dating konsehal ng lungsod na si Mario Concepcion, Jr. (pangalawa mula sa kanan) at ang dating chairman ng Brgy. Bambang na si Reynaldo Samson, Jr. (dulong kanan).

PFP may mayoralty bet na sa 2025 elections sa Pasig City

PASIG CITY —- Tinatayang mapapalaban  si Mayor Vico Sotto sa darating na 2025 midterm election matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ang mag-asawang benefactor ng palagiang kawanggawa sa lungsod.

Ilang linggo bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 2024 ay ipinahiwatig ng administration party na PFP ang kahandaan nitong tapatan ng tinawag nitong ‘winnable mayoralty bet’ ang kasalukuyang alkalde ng Pasig City na tumatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino.

Pinangalanan ni PFP secretary general Tom Lantion ang kilalang lead advocate ng charity works sa Pasig na si Sarah Rowena Discaya bilang potential na pambangga sa reeleksiyonistang alkalde.

Si Discaya, mas kilala sa tawag na “Ate Sarah,” ay nanumpa kamakailan sa pamunuan ng PFP bilang opisyal na miyembro ng partido ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kasama niyang nag-take oath kay retired Gen. Lantion ang kanyang asawang si Curlee at mga community leader na kanilang kabalikat sa paghahatid  ng tulong sa mga kabarangay, partikular sa mga maralitang tagalungsod.

Ayon kay Sec. Gen. Lantion ay wala pang pormal na pagsang-ayon si Ate Sarah sa plano ng PFP na pagpapatakbo sa kanya, pero malakas umanong pambato sa Pasig mayoralty race dahil matagal na siyang kilala ng mga Pasigueño bilang mabait, matulungin at edukadang makamasa.

Katunayan, ayon sa nasabing opisyal ng PFP, ang St. Gerrard Charity Foundation na pinamamahalaan ng pamilya Discaya ang kinikilala ng maraming Pasigueños na panibagong City Hall dahil sa iba’t ibang tulong pang-edukasyon at ayudang medikal na ibinabahagi sa mga nangangailangan.

“Malapit din ang loob ng mga senior citizen kay “Ate Sarah,” gayondin ng mga magulang dahil sa walang patid na mga tulong ang ipinamamahagi ng kanyang pamilya sa iba’t ibang day care centers at public schools,” diing pahayag ng PFP official.

At ano mang kakulangan ng mga pampublikong ospital at health centers sa lungsod ay pinupunan umano ng charity foundation ni Ate Sarah sa pamamagitan ng walang patid na medical assistance.

Nakarating din sa kaalaman ng PFP na nang manalasa ang bagyong Carina ay nauna pa umanong magpadala ng tulong ang St. Gerrard Foundation sa mga biktima ng bagyo.

Inaasahan ng ka-partido ni Ate Sarah sa PFP na malaki ang tsansa ng kanilang mayoralty bet sa Pasig na manaig sa laban dahil sa batbat umano ngayon ng intriga ang reeleksiyonista niyang katunggali, partikular ang kontrobersiyal na pagpapatayo ng P9.6-bilyong New City Hall Complex at ang umano’y maanomalyang  P17.2 milyong cash allowance sa mga empleyado na pinalitan lamang ng t-shirts ang dapat sana’y matatanggap na P1,500 cash bawat kawani ng lungsod.

Habang may ganito umanong mga isyu laban kay Sotto, kagaya ng magarbong luho na City Hall complex, ang mga pampublikong pagamutan, at health centers sa lungsod ay kulang naman sa mga gamot at episyenteng kagamitan.

Kabilang sa mga isyu laban sa alkalde ang tungkol sa mag-aaral sa public schools na napababayan dahil kahit noong Hulyo pa binuksan ang klase, pero ngayon pa lang nagsukat ng uniporme, at kulang ang school supplies bukod pa sa delayed din ang pagbibigay ng scholarship allowance.

Si Sotto ay dating miyembro ng Aksiyon Demokratiko Party, ngunit nag-resign dito.

Samantala, si Ate Sarah ay nagtapos ng elementarya sa Pasig Catholic College sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Computer Management.

Graduate din siya sa La Consolacion College ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management of Service Institution.

Katuwang si Ate Sarah ng asawa niyang si Curlee para pamahalaan ang St. Gerrard Construction na isang Quadruple A contractor sa bansa. May apat silang anak.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …