Thursday , May 15 2025
LA Santos Maricel Soriano

L.A itinakbo sa ospital paghahanda kina Maria at Dick nasobrahan

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI sukat akalain ng mommy ni LA Santos na pauunlakan sila ni Ms Maricel Soriano sa pelikulang In His Mother’s Eyes na ipinagdarasal nila na makapasok sa Metro Manila Film Festival sa December. 

Napanood namin ang trailer ng movie at hangang-hanga kami sa ipinamalas ni LA na nakipagsabayan sa galing nina Maricel at Roderick Paulate. Ayaw ni LA na mapahiya sa dalawang senior stars. 

May insidente raw na sa sobrang pag-internalize ni LA ay sumama ang pakiramdam at kinailangang dalhin sa ospital. 

Ipinagmamalaki ng ina ni LA ang ginawa ng kanyang anak sa pelikula at sinabing ibinuhos talaga ng anak ang kakayahan sa pag-arte. 

Sa napanood naming mga clip ng movie ay naniwala naman kami.

Kaya wish namin na makapasok ito sa Metro Manila Film Festival. Ito ang pagbabalik ni Maricel sa paggawa ng pelikula. Sana lahat ng pelikula ng mga veteran actors ay makapasok at maging masigla ulit ang pelikulang Filipino.

About Joe Barrameda

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …