Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan

   Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kamakailan.

Sa 1,634 na kalahok na mga pamahalaang lokal, may kabuuang 103 na mga lungsod, munisipalidad at lalawigan ang ginawaran ng top rankings para sa iba’t ibang kategorya kung saan ang Bulacan ang tanging lalawigan sa Gitnang Luzon na nakakuha ng puwesto sa Top 10 Most Competitive Province.

Bukod pa rito, humakot din ng mga parangal ang Lungsod ng Baliwag kabilang na ang ikatlong puwesto para sa Overall Most Competitive na 1st to 2nd Class Municiplaities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation at Top 8 sa Resiliency habang nakamit ng Munisipalidad ng Santa Maria ang Top 4 sa Infrastructure at Top 6 sa Economic Dynamism; Munisipalidad ng Marilao bilang Top 6 sa Economic Dynamism, Munisipalidad ng Angat sa Top 7 ng Most Improved 1st to 2nd Class Municipality; at Lungsod ng Meycauayan bilang Top 3 sa Special Award, Top Intellectual Property Filer.

Samantala, binigyang-diin naman ni Kalihim Alfredo E. Pascual ng DTI ang mga gampanin ng bawat lokal na pamahalaan sa pangkalahatang pag-unlad at katatagan ng bansa.

“Our cities and communities are the bedrock of our society. It is where on which bedrock, we build the Philippines. They’re the living, breathing embodiments of our competitive spirit, culture and aspirations. Ensuring their flourishing progress in a world in flux is not just a goal; it is a shared duty that binds us all,” pahayag ni Kalihim Pascual.

Sa kanyang mensahe, nangako si Gob. Daniel R. Fernando na lalo pang magsusumikap para sa kahusayan ng lalawigan.

“Habang patuloy na umuunlad at yumayabong ang Bulacan, handa itong tumanggap pa ng mga mamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, at magbigay ng mas mataas na kalidad na pamumuhay sa mga residente nito. Sa malinaw nitong bisyon para sa hinaharap at matibay na mga komunidad, ang Bulacan ay nakatakdang umangat pa sa darating na panahon, patunay na isa ito sa most competitive at progresibong lalawigan sa Pilipinas,” ani Fernando.

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang taunang pagraranggo sa mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) upang higit pang palakasin ang local competitiveness batay sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …