Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dindo Caraig

Dindo Caraig naiyak sa birthday surprise ng TAK at ni Mommy Merly

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANAY ang pagtulo ng luha ng baguhang mang-aawit na si Dindo Caraig sa sorpresang birthday party na isinagawa ng TAK Charity Foundation sa pangunguna ng TAK Founder at manager niyang si Mommy Merly Peregrino sa Bragais Flagship Store sa Quezon City noong August 29, 8:00’p.m..

Bumuhos ang napakaraming cake at pagkain mula sa iba’t ibang supporters ni Dindo tulad ng TAK Philippines, TAK Singapore, Tak Japan, at marami pang iba na hindi na namin matandaan dahil sa dami nila.

Kain pa kayo hindi pa nabubuksan ang isang lechon,” sabi sa amin ni Mommy Merly  na abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Ayon sa mga host noong gabing iyon na sina Jana Chuchu (John Fontanilla) at Joey Austria first time nag-celebrate ng ganoon kagarbo si Dindo kaya naman sobra itong na-touch sa mga nag-abala at nakaalala sa kanyang kaarawan lalo na sa kanyang manager na si Mommy Merly na talaga namang ginagawa ang lahat mabigyan lang ng magandang career ang alaga.

Naging bisita at nagbigay ng kani-kanilang awitin sa birthday ni Dindo sina Sarah Javier, Laverne Arceo, at Sye. Nagbigay naman ng isang magandang sayaw ang isang member ng TAK. Lalong nabagbag ang damdamin ni Dindo sa 25 mins VTR greetings na nagmula sa iba’t ibang TAK members around the globe.

At siyempre hindi mabubuo ang birthday ni Dindo kung hindi niya iparirinig ang carrier single na Naghihintay, na ngayo’y isa na sa kinagigiliwang awitin. Ang awiting Naghihintay ay komposisyon ng singer at Baranggay LSFM DJ na si Papa Obet at available na sa lahat ng streaming app. Kaya download na!

Pagkaraan ng mga kantahan at sayawan nagkaroon din ng picture taking si Dindo sa lahat ng mga dumalo sa kanyang kaarawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …