Monday , December 23 2024

Paghabol sa Bonifacio Global City  
APELA NI BINAY SA SC NAUWI SA PAGKAWALA NG EMBO BARANGAYS

082223 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HINDI dapat magmatigas bagkus ay dapat tanggapin ni Makati Mayor Abby Binay ang “unintended consequences” sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig lalo pa at ang Makati sa kanyang pamumuno mismo ang nag-akyat ng usapin sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Darwin Cañete, isang prosecutor at blogger, nang iakyat ng Makati City ang kaso sa Supreme Court at hingan ang mga mahistrado ng  final determination sa isyu ay dapat batid nito na maaari silang matalo o manalo.

“Ngayong nagsalita na ang kataastaasang hukuman ay walang ibang opsyon si Binay bilang akalde ng Makati kundi ang magparaya sa nanalong partido, ang Taguig LGU,” ani Cañete.

Sinabi ni Cañete, ang paghahabol sa revenue-rich na Bonifacio Global City (BGC) ay pinursige ng Makati Ctiy mula pa noong panahon ni Makati City Mayor Jejomar Binay, Junjun Binay, at  Abby Binay kaya dapat naging handa na ang lokal na pamahalaan sa magiging pinal na desisyon sa kaso.

“Lahat naman ng kaso may ending,” giit ni Cañete.

Nang hingan ng reaksiyon sa naging takbo ng kaso ng territorial dispute, sinabi ni Cañete, kung siya ang tatanungin ay hindi na lamang sana hinabol ng Makati City ang pagmamay-ari ng BGC, sa ganitong paraan ay hindi naagaw sa kanila ang EMBO barangays na kilalang baluwarte ng mga Binay.

“Para sa akin ay malaking pagkakamali na iniakyat pa ng Makati ang dispute case sa SC,” ani Cañete.

Ipinaliwanag ni Cañete, sa una pa lamang na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court ay makikita nang dehado ang Makati, sa iprinisinta kasing ebidensiya ay mayroong pinanghahawakang titulo at presidential order ang Taguig.

Sa Transfer Certificate of Title (TCT) No. 1219 na may Survey Plan Psu-2031, petsang 1908 ang Fort McKinley ay nakahati sa 4 parcels, ang Parcel 1 ay matatagpuan sa Pasay; Parcel 2 ay nasa Pasay at Parañaque; Parcel 3 ay nasa Taguig, at Parcel 4 ay sa Taguig din, at noon pa man walang pagbanggit dito ng Makati.

Nang makuha na ng Filipinas ang kasarinlan mula sa mga Amerikano, ang Fort Mckinley ay ginawa nang Fort Bonifacio at sa ilalim ng Proclamation No 423 na ipinalabas ni dating President Carlos Garcia, malinaw na ang military reservation ay nasa ilalim ng Taguig.

Kung titulo at presidential order ang hawak na ebidensiya ng Taguig, ang iprenisinta naman ng Makati ay land survey na mula sa isang private contractor.

Isa pa sa nakasira umano sa Makati ay ang ginawa nitong forum shopping o paghahanap ng friendly tribunal para humawak ng kanilang kaso, ani Cañete, sinita ng SC ang maling aksiyon na ito ng Makati at pinatawang guilty sa contempt charge ang mga abogado at pinagmulta.

“Following the SC’s finding of forum shopping, the Court of Appeals, where the case at that time was pending, dismissed the case. If Makati just accepted the dismissal, status quo lang sana: BGC/Fort Bonifacio would remain with Taguig, while EMBO barangays would remain with Makati. But Mayor Abby insisted to bring again the matter to the SC and asked SC to decide the case not on what she called mere technicality but on the merits,” ani Cañete.

“Kung ‘di ganoon kalakas ang ebidensiyang pinanghahawakan ng Makati naging mainam sana na hindi na ito ipinursigi sa Supreme Court na siyang final arbiter, nagkaroon lang sana ng status quo sa dispute at ‘yung EMBO barangays ay nasa Makati pa rin,” dagdag nito.

Ngayong turnover na ang pinag-uusapan sa turf war sa pagitan ng dalawang malaking lungsod, sinabi ni Cañete na para na rin sa interes ng mga residente ay makita na ang kooperasyon ni Mayor Binay.

Sa obserbasyon ni Cañete, hindi naman tinututulan ng mga residente ang paglipat sa Taguig, inihalimbawa nito ang nakalipas na Brigada Eskwela na mainit ang naging pagtanggap ng mga guro, estudyante, at magulang ng mga EMBO schools kay Taguig City Mayor Lani Cayetano.

“Mayor Lani has been an exemplary executive, wala kang maririnig na hindi sya marunong magpatakbo. Walang bahid and EMBO residents are assured of clean governance,” pagtatapos pa ni Canete.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …