Monday , November 18 2024
Paolo Sandejas

Paolo Sandejas magiging bahagi ng GMAs sa Taiwan

NAPILI ang singer-songwriter na si Paolo Sandejas na representative ng Pilipinas sa  GMA (Golden Melody Awards) na taunang ginaganap sa Taiwan.

Ngayong taon, siya lamang ang Filipino artist ang napili sa awards spectacle na ito na magaganap sa Hunyo 24 to 26, 2022.

Ayon kay Paolo, excited siyang ibahagi ang kanyang musika at mga orihinal na kanta sa Asian music scene. Ibinahagi niya rin ang kanyang excitement sa pagtugtog sa GMAs. Ito kasi ang parang GRAMMYs doon sa Taiwan.

Ani Paolo, “It’s amazing! It’s definitely an honor to have an opportunity to share my music with the rest of the Asian community.”

Sinabi niya rin na siya ay pressured ngunit motivated na kumatawan sa OPM para sa international event na ito.

“While It’s definitely a lot of pressure for me to represent the Philippines and OPM as a young artist, I’m really motivated to showcase how the OPM scene has grown and diversified over the years. Despite the pressure, I couldn’t be more excited!” dagdag pa niya.

Maraming music fans all over Asia, pati top music executives and professionals ang makakapanood at makatutuklas sa galing at talent ni Paolo. Siya ay maghahanda ng kanyang mga pre-recorded online performances at magtatanghal sa huling araw ng GMAs, sa Hunyo 26, 2022 kasama ang iba pang Asian artists.

Kakatapos lang i-release ni Paolo ang kanyang latest music video para sa Hide & Seek bago tumambad sa kanya ang mabuting balitang ito.

Hirit pa ni Paolo, umaasa siya na makakapag-perform live siya sa Taiwan in the future kung may pagkakataon pagkatapos ng kanyang Golden Melody Awards & Festivalexperience ngayong buwan.

“People should definitely look forward to enjoy some laid back indie tunes in my intimate virtual performance. I’m really excited to show you all the sets that I’ve put together, and I hope to one day perform these songs live in Taiwan,” excited na sambit pa ni Paolo.

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …