Saturday , May 17 2025
Floyd Mayweather Jr Don Moore Anderson Silva Bruno Machado

Exhibition match ni Mayweather sa Dubai kanselado

KINANSELA ang exhibition fight ni  Floyd Mayweather Jr. kay Don Moore  na mangyayari sana kahapon sa Burj Al Arab hotel helipad sa  Dubai.

Hindi natuloy ang nasabing laban dahil sa pagkamatay  ni United Arab Emirates  president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.   Maraming sikat na personalidad ang nagbigay ng respeto sa pagkamatay ng hari isa na roon si Mayweather at Conor McGregor.

Matatandaan na limang taon na ang nakararaan nang talunin ni Floyd si McGregor nung 2017.   At ang event sana na mangyayari nitong linggo ay una sa anim na events na feature si Mayweather sa ilalim ng Global Titans Fight Series na nakansela nga.  Kasali rin si Anderson Silva sa card para sa Global Titans kontra kay Bruno Machado sa co-main event sa gabing iyon. 

Handang-handa na sana ang nasabing exhibition match na magiging hosts ang malalaking pangalan tulad ni Roger Federer at Andre Agassi maging sina golf superstar Tiger Woods.  Magiging added attraction pa sa nasabing event ang pagpapakita ng sparring session ni boxer Anthony Joshua.

“There’s no more real fights for me,” pahayag ng  45-year-old Floyd kay  Lance Pugmire ng  The Athletic. “Only exhibitions.”

Nagpahatid ng mensahe ang International Boxing Hall of Famer sa naging kamatayan ni Sheikh Khalifa sa kanyang Instagram post.

“Sending my condolences to the entire UAE,” pahayag ni Mayweather..

About hataw tabloid

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …