Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ginebra Meralco PBA

Gin Kings namumuro na sa titulo

ISANG panalo na lang, kakabigin na ng Barangay Ginebra PBA Governors Cup title.

Punung-puno ng aksiyon ang paghaharap ng Gin Kings at Meralco Bolts sa Game 4  nang patikimin ng kaba ng Bolts ang Gins sa third at  fourth quarter na kung saan ay hinabol ang kanilang 14 puntos na kalamangan sa nasabing bahagi ng laro.

Hindi tuluyang nagiba ang diskarte ng Ginebra nang pigilan ni Best Import Justin Brownlee ang remate ng Meralco.

Kumana si Brownlee ng kabuuang 40 puntos 11 rebounds, 5 assists at 2 block shots.

Malaki rin ang ginampanang papel ni Christian Standhardinger na siyang naging   kaagapay  ni Brownlee sa 4th canto ng laro para ilayo uli ang iskor sa 102-97.

Bumida rin sa nasabing quarter sina Thompson at Tolentino sa huling quarter para  palobohin ang kalamangan sa 94-80 sa huling walong minuto   bago rumemateng kapos  ang Meralco sa huling bugso ng laban at matapos ang bakbakan sa iskor na 115-110 pabor sa Gins. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …