Friday , April 18 2025
EJ Obiena PATAFA

Dahil sa ‘bangayan’ sa PATAFA
EJ OBIENA ‘DI NAKALAHOK SA BELGRADE 2022

DESMAYADO si Senate Committee on Sports chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi nakadalo si national pole vaulter at Olympian Ernest John “EJ” Obiena sa World Athletics Indoor Championships na gaganapin sa Belgrade, Serbia ngayong buwan dahil sa sigalot sa pagitan nito at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Kalipikadong lumahok si Obiena sa World Indoors matapos makakuha ng gold-medal performance sa Orlen Cup sa Poland nitong nagdaang Pebrero ngunit nabigo siyang makadalo dahil hindi binigyan ng endoso ng PATAFA ang atleta dahil sa sigalot sa pagitan nila.

“Nakalulungkot na dahil sa bangayan, nasayang ang pagkakataong mabigyan muli ng karangalan ang ating bansa sa larangan ng sports,” ani Go.

Ayon kay Go, balewala na ang ating layuning “We Win As One” kung hindi naman tayo nagkakaisa at buo para suportahan ang ating mga atleta.

Magugunitang noong 7 Pebrero ay nagasagawa ng imbestigasyon ang senado na pinamunuan ni Go ukol sa sigalot sa pagitan ng dalawa at sa huli ay tumayo pa ang senado bilang kanilang mediator para magkaayos ang magkabilang kampo.

“Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, nagpatawag na po tayo ng hearing noong February 7 kung saan nahimok natin ang PATAFA at si EJ Obiena na mag-usap at pumayag na lumahok muli sa mediation process. Inatasan natin ang Philippine Sports Commission para pangunahan ito bilang pagganap sa kanilang mandato,” dagdag ni Go.

Dahil ongoing pa ang mediation process kung kaya’t patuloy na nanawagan si Go sa PSC at sa dalawang panig na mag-usap at bilisan ang pagresolba ng kanilang gusot.

“Ang kooperasyon ninyo ang kailangan para maayos ang lahat for the sake of our country. Magkaisa po tayo at sana ay walang politika sa sports,” giit ni Go.

Bukod dito, pinayohan din ni Go ang iba pang ahensiyang may kinalamana sa palakasan na huwag nang mangyaring muli ang insidente at tiyaking magkaisa para sa mga atletang Filipino.

“Ayusin na ang dapat ayusin. Gawin ninyo ang tama, isantabi ang pansariling interes, at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan. Maging magandang ehemplo po sana kayo sa inyong salita at gawa dahil maraming mga Filipino ang tumitingala sa inyo,” ani Go.

Binigyang-diin ni Go, umaasa ang buong sambayanan na magiging maganda ang kahihinatnan ng usapang ito para sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga atleta.

Inilinaw ni Go, ang tagumpay na kakamitin ng isang atleta ay hindi lamang niya tagumpay at karangalan kundi ng buong bansa at ng bawat mamamayang Filipino.

Siniguro ni Go, suportado niya ang lahat ng aatletang Filipino at titiyakin niyang mayroong sapat na pondo para sa kanilang pangangailangan mula sa training hanggang sa paglaban.

Ilan rin sa mga pangunahing batas na si Go ang may-akda at pawang kasama sa mga may-akda ang Republic Act No. 11470, o ang pagtatayo ng National Academy of Sports (NAS) na matatagpuan sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na titiyak na magbibigay ng sapat na kaalaman o edukasyon at training sa mga batang Filipino na nagnanais maging atleta at kinatawan ng bansa sa mga laban. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …