MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ng bida sa pelikulang Hugas na si Sean de Guzman na ang kanyang leading lady sa pelikula na si AJ Raval ang dahilan kung bakit single na ulit siya ngayon.
Ayon kay Sean, nakaapekto ang mga love scenes nila ni AJ sa Hugas sa kanyang relasyon sa ex-girlfriend.
Hindi umano nito kaya na nakikitang nakikipaghalikan siya sa iba.
Na naging dahilan para makipaghiwalay ito sa kanya.
Ayon pa sa alaga ni Len Carrillo, napagod umintindi ang kanyang ex dahil magkaiba sila ng field.
Kuwento naman ni AJ, nandoon siya noong nakipag-break ang ex ni Sean.
Nangyari ang hiwalayan nang nagba-vlog umano ang dalawa.
Naghiwalay din sina AJ at dating nobyong si Axel Torres dahil mas pinili ng dalaga ang career kaysa love life.
At sinabi ni AJ na isang dahilan ay ang paggawa niya ng daring roles sa pelikula.
Showing na ngayon ang Hugas na mapapanood sa Vivamax.