MA at PA
ni Rommel Placente
MAY launching movie na si Winwyn Marquez titled Nelia mula sa A and Q Film Productions. Isa ito sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2021.
“Siguro, isa sa pinakamalaking nagawa kong pelikula ay ‘yung with Vhong Navarro, ‘yung ‘Unli Life.’ Pero ito talaga ‘yung title role ako,” sabi ni Winwyn sa grand press conference ng Nelia.
Patuloy niya, ”Sabi ko nga paulit-ulit sa mga interview ko, ang tanong ko sa mga producer namin, ‘sure po ba kayo na ako ‘yung kukunin ninyo?’ Kasi never pa akong nagbida (sa pelikula).
“Sabi ko nga, hindi ako maniniwala hangga’t wala pa akong schedule ng shooting. Kasi baka, ‘di ba mapalitan? ‘Yung mga ganoong instances. Hindi ako nag-expect.
“But, noong nag-shoot na kami, roon lang nag-sink in sa akin. Kaya mas grabe ‘yung pressure.
“Kasi nga challenging din siya. Since psychological suspense thriller ‘yung movie.
“Tapos I came from lock-in taping ng rom-com (series). So medyo iba rin ‘yung pag-adjust ko sa paggawa ng film,” paliwanag pa ni Winwyn.
Sinamantala na ring tanungin ng press si Winwyn, kung totoo ‘yung mga naglalabasang balita na buntis siya.
Ang nakatutuwa kay Winwyn, sinagot niya ang tanong. Hindi siya nag-deny na buntis siya. Kinompirma niya na totoong nagdadalang-tao siya.
“I am pregnant,” nakangiting sabi ni Winwyn.
Ayon pa sa aktres ay 6 months na siyang buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend.
“I tried to..siyempre gusto ko muna siyang itago hangga’t hindi pa sure.
“Yes, there it is. Me and my partner we’re both so happy. My family, everyone, super saya namin.”
Ang batang nasa sinapupunan ni Winwyn ay maituturing niyang Christmas gift sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Gusto ko sabihin sa inyo ‘yung nangyari sa akin and ‘yung blessing na ibinigay sa amin. We’re so happy. We’re over the moon. I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” dagdag pa ni Winwyn.
Samantala, ang A and Q Films Productions ay itinatag ng business partners na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quino noong taong 2020. Unang layunin ng A and Q Films Productions na gumawa ng mga educational films para sa mga school, lalo na ngayong pandemya, na naging virtual na ang pagtuturo dahil na rin sa pag-iwas sa paglaganap ng COVID 19.
“Hindi namin akalain na sa unang pagkakataon na gumawa kami ng full lenght film ay mapapasama kami sa entries sa Metro Manila Film Festivals. Maraming salamat po sa MMFF sa pagtangkilik at sana ay ito na ang maging simula ng patuloy pang paggawa ng A and Q Films Productions ng marami pang pelikulang makapagbibigay aliw, tuwa at aral sa mga Filipinong manonood,” sabi ni Atty. Alegre.
Bukod kay Winwyn, kasama rin sa Nelia sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas, Sarah Javier, Juan Carlos Galano, Mon Confiado at marami pang iba.