MA at PA
ni Rommel Placente
SA pakikipag-usap namin sa CEO ng Aspire Magazine Philippines na si Rey Allen Ching Castillo, sinabi niya kung paano niya pinili ang mga taong na-feature nila sa kanilang nglossy magazine.
“Ang pagpili po namin as per story, matunog man po sila o hindi, basta maganda po ‘yung story nila, pinipili ko na po talaga ‘yung mga taong ganoon na ma-feature rito sa magazine. Just like you guys sa media,inilagay din po namin dito sa magazine. Everybody is important in this industry,” paliwanag ni Allen.
Bukod sa pagpili, mayroon din namang na-feature sa Aspire Magazine Ph na lumapit lang kay Rey dahil gusto nilang mailagay.
“Marami pong lumalapit like fashon designers, photographers, make-up artists, naging unsung po sila sa lahat ng bagay. Kasi ‘di ba laging mga model, artista, media ang mga napipili. Binigyan din po namin sila ng importansiya,” susog pa ng publisher.
Ang young actor at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start ang cover sa unang edition ng Aspire Magazine Ph. Mabibili ito sa halagang Php 1250 sa National Bookstore at 7/11. Parte ng kikitain nito ay mapupunta sa charitable institution, ang Child Hauz.