Sunday , November 17 2024
Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

        Ito ang magandang balita na dala ni Senador Ping Lacson matapos aprobahan ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang pagkakaroon ng Pag-asa Island Integrated Elementary and High School sa susunod na school year, 2022-2023.

        “Thank you, Department of Education for this: Approval of the Pag-asa Integrated Elementary and High School effective next School Year, 2022-2023. Certainly a big step of HOPE for the young people of Kalayaan,” ani Lacson sa kanyang Twitter account.

        Noong nakaraang linggo, sinikap ni Lacson na isulong ang pagkakaroon ng karagdagang school facilities at mga guro sa Pag-asa Island matapos malaman ang hirap na dinaranas ng mga estudyante sa lugar sa kanyang pagbisita sa isla noong 20 Nobyembre.

Ipinaglaban ni Lacson ang karagdagang benepisyo para sa mga guro dahil sa kasalukuyan, iisa ang elementary school sa lugar at dalawa lamang ang guro sa 34 estudyante mula sa 54 pamilya, nang walang nakikitang pagkakataon para makantuntong pa ng high school.

        Dahil sa sitwasyon, tila tinanggalan ang mga estudyante ng pagkakataon na makapag-high school pagka-graduate nila ng Grade 6.

        Ang pinakamalapit na high school ay nasa Puerto Princesa City pa sa Palawan, na umaabot ng mahigit isang araw ang biyahe.

        Sa kadahilanang ito, isinulong ni Lacson ang pagpapatayo ng high school building o i-integrate ang high school facilities sa kasalukuyang elementary school building at magdagdag ng isang multigrade teacher para magturo sa high school.

Sa kabilang banda, ipinaglaban din ni Lacson ang pagkakaroon ng Special Hardship Allowance (SHA) para sa dalawang guro sa Pag-asa Island na maaari aniyang kunin mula sa budget ng Last Mile Schools program ng DepEd.

Aniya, bagama’t hindi pinapayagan sa DepEd circular ang makatanggap ng SHA ang isang guro para sa dalawang kategorya, giit ni Lacson, hindi sapat ang isang hardship allowance kada taon dahil sa rami ng hirap na kanilang nararanasan sa pagtuturo sa isla bunsod ng layo nito at kakulangan sa pasilidad.

Ani Lacson, kalipikado sa dalawang kategorya ang dalawang guro sa isla dahil nasa isang hardship post sila at multigrade teachers.

Isinusulong ni Lacson ang “Edukasyon Plus” program para matigil na ang kahirapan sa maraming pamilyang Filipino. Sa ilalim ng programa, magbibigay ito ng libreng tuition at monthly allowance na P5,000 sa kasagsagan ng internship ng mga kalipikadong senior high school students (Grade 11 at Grade 12) na papasok sa government internship program. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …