Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Charlie Dizon, Joshua Garcia, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Joshua-Charlie bagong John Lloyd-Bea

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKAKILIG. Nakakahiya. Pressured. Thankful. Ito ang kapwa tinuran nina Joshua Garcia at Charlie Dizon nang may nagsabing sila ang bagong John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ng ABS-CBN lalo’t magkasama sila sa bagong drama series ng ABS-CBN, ang Viral Scandal na mapapanood na ngayong Lunes, Nov. 15.

Siyempre nakakikilig ‘yun na mai-compare kami kina John Lloyd and Bea pero nakahihiya rin kapag nalaman nila ‘yun. Ha-hahaha!

Nahihiya ako sa kanila. Pero siguro thankful ako na ‘yun ang nakikita ng mga tao. Pero at the same time nakaka-pressure rin and sana makita rin nila kami bilang Charlie at Joshua,” sambit ni Charlie nang maikompara sila kina John Lloyd at Bea sa isinagawang virtual media conference. 

Ilang beses ko na kasing narinig ‘yun, eh. Deja vu ‘yung feeling. Kung sakali na ganoon talaga iniisip nila, well siyempre thankful ako dahil siyempre mga mabibigat na artista ‘yun ‘di ba, kilala sa larangan ng pag-arte. So roon pa lang masaya na talaga ako. Ayun lang naman masasabi ko,” sambit naman ni Joshua.

Thankful naman kapwa ang dalawa na finally ay mapapanood na ang kanilang drama series, “Sobrang excited na ako kasi finally eere na kami. Na-excite ako para sa buong team kasi nakita ko talaga ‘yung pagod nila niyong buong cycle namin. Nasa labas kami lahat nagtratrabaho sa bubble,” ani Charlie.

“Lahat ng hirap ng cast magbubunga na ngayon at mapapanood na ng madla. Alam ko pinaghirapan nila ito para maentertain ‘yung mga tao kaya sobrang excited na ako na makita ng mga tao ‘yung trabaho na ginawa namin,” sabi naman ni Joshua.

Mapapanood na ang Viral Scandal sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV simula sa Nov. 15. Kasama rin dito sina Dimples Romana, Jake Cuenca at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …