Friday , April 19 2024
Ria Atayde, Joshua Garcia, Nguya Squad

Ria sa relasyon nila ni Joshua — We are friends, I’m super comfortable with him

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TINAWANAN at idinaan na lang sa biro ni Ria Atayde ang tsismis na magdyowa sila ni Joshua Garcia. Dahil ang totoo, magkaibigan lamang sila.

Nilinaw ng dalaga ni Sylvia Sanchez na hindi totoo ang kumakalat na tsismis sa kanila ni Joshua. May mga nagsasabi kasing matagal na silang magdyowa at itinatago lamang nila ang kanilang relasyon.

Nagsimula ang pag-uugnay kina Ria at Joshua nang lumabas sa social media ang barkada photo nila kasama ang magdyodyowang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at Sofia Andres at Daniel Miranda.

“We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends,” giit ni Ria sa panayam ng Pop Cinema ng Cinema One channel.

Ayon kay Ria, naging close sila ni Joshua nang makatrabaho ng actor ang kanyang inang si Sylvia sa The Greatest Love ng ABS-CBN.

“I am super super comfortable with him. Because nga he is my mom’s grandson in ‘The Greatest Love’ and because of that he actually celebrated Christmas with us that year and we’re close.

“Like we just don’t post about each other or anything. Pero ‘yun nga we’re close because of that.

“Things got busy pero we always keep in touch throughout the years. Then kasi we are also working together on ‘Viral’ (bagong Kapamilya series) so you know lot of reasons to hang out.

“And he also just recently started playing golf with the boys of my friend group. Now he is part of it as well. So it’s really just that,” mahabang paliwanag ng aktres.

Idinagdag pa ni Ria na sanay na siyang ma-link kung kani-kanino. Bukod kasi kay Joshua, inili-link din siya kina Dominic Roque at Marco Gumabao.

“So I guess whoever is single naman inilalagay nila sa akin. Regardless kung sino, gets ko naman guys. Single nga, gets na gets,” sambit pa ni Ria.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Ysabelle Palabrica

Newbie singer na si Ysabelle gustong maka-collab si Belle

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng promising artist at alaga ng kaibigan naming si Audie See na si Ysabelle …

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Sam Milby

Balik-tambalan ng DenJen kasado na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang shooting ng pelikulang Everything About My Wife sa Cebu City.      …