Sunday , December 5 2021
Jinggoy Estrada

Jinggoy tutugunan ang mga hamon ng new normal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NOONG Linggo, Oktubre 3 ay naghain ng Certificate of Candidacy  si Jinggoy Estrada para muling tumakbo bilang senador sa 2022 election. Kakandidato siya sa ilalim ng partido ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Si Jinggoy ang panganay na anak ni dating Mayor/President Joseph Estrada. Tulad ni Erap, nagsimulang makilala si Jinggoy bilang actor at pagkaraan ay pinasok na rin ang politika. Sa edad 25, nahalal siya bilang bise alkalde ng San Juan at pagkaraan ay naging  alkalde ng San Juan sa edad 29. 

Taong 2004 ay nahalal siya bilang senador at hinawakan ang posisyon ng Senate President Pro Tempore. 

Ani Jinggoy noong nag-file ng COC, “Ako po ay nag-file ng certificate of candidacy bilang senador ng ating bansa at alam n’yo naman, dalawang termino po ako nanilbihan bilang senador at sa 12 taon ko na pamamalagi sa Senado ay nabansagan naman po tayo na isa sa mga pinakamasipag.

“’Ika nga of the most prolific senators noong panahon ko, sapagkat tayo po ay nakapag-akda ng mga batas na kulang-kulang na 600.

“At halos lahat naman sa naiakda natin na bills ay naisabatas na at karamihan sa mga panukalang batas ko ay pinakikinabangan ng ating mga kababayang mahihirap, manggagawa, lalo na ang masang Pilipino.” 

At sa muling pagtakbo ni Jinggoy bilang senador, iginiit niyang, “Nais kong makibahagi sa malinis na halalan para maging senador muli.”

Sinabi niyang, aaksiyon siya para sa masa at handa siyang makatulong sa pagtugon sa mga pangunahing sakit at hamon na kinakaharap ng bansa sa ilalim ng new normal.

Aniya pa, gusto niyang mag-akda o maging kapwa-akda ng mga batas na mas lalo pang magpapalakas sa mga local na pamahalaan sa mga lugar sa labas ng National Capital Region o NCR. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, The World Between Us

Serye nina Alden, Tom, at Jasmine nasa GTV na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood …