Friday , April 18 2025
Raffy Tulfo, Ping Lacson

Raffy Tulfo bilib kay Ping Lacson sa paglaban nito sa droga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KOMPIYANSA ang Action Man at Idol ng Bayan Raffy Tulfo na kayang-kaya ni Presidential aspirant Ping Lacson na malulutas nito ang problema ng bansa sa droga.

Ani Tulfo, idol niya ang senador pagdating sa disiplina at katapatan.

At kahit independent candidate si Raffy bilang senatorial aspirant, sumama siya sa tambalang Ping Lacson-Tito Sotto dahil swak ang adbokasiya nila ng standard bearer ng Reporma Party.

“Ikaw ang idol ko. Totoo iyan, pagdating sa disiplina at honesty,” ani Raffy nang sumama ito kay Ping sa Cavite kamakailan sa pakikipag­konsultasyon sa mga tao. 

Nagpapasalamat din si Tulfo kay Ping dahil iginalang ang desisyon niya na maging independent.

Maraming problema tungkol sa droga ang inilalapit kay Raffy sa kanyang programa kaya sinabi ng TV host na naniniwala siya na kayang tugunan ni Ping ang naturang suliranin, bagay na hindi nagawa ng kasalukuyang administrasyon.

Para kay Raffy, nagkulang ang kasalukuyang administrasyon pagdating sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug addict, bagay na naniniwala siyang gagawin ng magiging administrasyon ni Ping kapag naging presidente.

Paliwanag ni Raffy, kung gagaling ang mga addict, mawawalan na ng pagsusuplayan ng droga ang mga pusher at drug lord, alinsunod sa tinatawag na “law of supply and demand.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …