Sunday , November 17 2024
Herbert Bautista

HB sa theater owners: bawasan ang 50% singil sa mga local producer

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HiNDI naitanggi ni Senatoriable candidate Herbert Bautista na nalulungkot siya na mas inuna pang magpalabas ng foreign films kaysa local films ang mga sinehan. Bagamat sa kabila nito’y masaya siya na magbubukas na ang mga sinehan simula November 10.

Sa pagbubukas ng mga sinehan, 30% lang ng capacity ang papayagan kaya hindi matiyak ni Bistek kung paano kikita o makababawi ang mga producer. Pero mas okey na muna ang ganito (nagbukas).

“It’s unfortunate na inuna nila ‘yung foreign films. Sana naman, inuna nila ‘yung mga pelikulang Filipino para naman mabuhay natin ang local film industry,” giit ni Bistek sa lunch media conference nito sa entertainment press kamakailan.

“I hope the government considers that. It’s not all about profit for theater owners or even taxes pagdating sa amusement tax but it’s also about recovering from the loss of the movie industry,” dagdag pa ng dating mayor ng Quezon City.

Sinabi pa ni Bistek na sana naman ay bawasan ng mga theater owner ang 50% na singil sa mga local producer sa gross income ng pelikula. ”Para maka-recover ang ating mga movie producer, ‘yung theater should not get 50% of the earnings. Maybe they can get 20%? Until we are able to recover.

“Because the 30% na mapupunta’t babalik sa producer is a very big amount para ma-recover niya ang loss niya, at the same time, para makapag-produce pa siya ng marami. At ‘pag nakapag-produce siya ng marami, magiging active ulit ang industriya natin.

“I think, that’s one help that the theater owners can support the film industry,” paliwanag pa ng tumatakbong senator sa ilalim ng Ping-Sotto tandem.

Samantala, hindi naiwasang matanong ang aktor/politiko ukol sa balitang pagpapakasal ni Kris Aquino. Dating naugnay si Bistek kay Tetay.

“Hindi ba sinabi ko naman masaya ako dahil if you read her post, ‘yung peace and quiet, ‘yun ang hinahanap niya, eh. So, okay naman. I think, she’s happy.”

“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya,” sagot pa ni Bistek nang matanong kung na-shock ba siya sa balitang ikakasal na si Kris?

At inulit niyang happy siya kay Kris. ”Oo naman, happy naman ako.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …