Tuesday , December 7 2021
Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ

NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay ang pag-aanunsiyo niya na engage na sila ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.

Umpisa pa lang ng video ay nakakikilig na kung sino sa kanila ang unang magsasalita. 

Kaya naman sa pagbandera ni Kris sa tunay na kaganapan sa kanila ng dating opisyal ng gobyerno marami talaga ang kinilig.

Sa caption niyon ay kinokompirma na ng TV host na engaged na sila ni Sarmiento. Bagamat hindi diretsahang sinabi ni Kris na nag-propose na sa kanya si Sarmiento pero sunod-sunod ang natanggap niyang pagbati mula sa mga kaibigan niyang celebrities.

Kalakip ng video and pictures ang isang mahabang caption, “We discussed this post and i thought about it carefully… marami kasi sa followers ko ang nagtatanong kung kamusta na ko because matagal na kong nawala…

Aamin ako i’m only 95 pounds now. this pandemic and many stressful events that happened since mid August really caused my weight to drop & my health to suffer.

“And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at mag aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, ‘Kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, ‘bunso’ has learned to obey.

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here. 

“We would never have met nor reconnected had it not been for Noy (dating Pangulong Noynoy Aquino). Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you. 

“But THANK YOU, you must have known how broken i’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. 

“Dumating nu’ng hindi ko hinahanap o inaasahan — kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time,” pahayag pa ni Tetay.

“We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

August 2021 nang makilala ang ‘mystery man’ o ang ‘special someone’ sa buhay ni Kris matapos siyang ipagtanggol mula sa basher.

Ang lalaki na ipinagpapasalamat ni Kris na dumating sa buhay niya ay natukoy ngang si dating Interior and Local Government Secretary Sarmiento, na nanungkulan noong termino ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nakilala si ‘mystery man’ nang matapos batiin ni Kris ito sa kanyang kaarawan, may netizen na pumuna kung bakit ipinopost niya ang tungkol sa kanyang love life kung gusto nito ng privacy.

Ipinagtanggol siya ni Sarmiento nang sagutin nito ang komento ng netizen at sinabing hiniram niya ang cellphone ng aktres-TV host.

Sa kabilang banda, isang post naman ng isang kasamahan sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), dating editor ng Balita at malapit na kaibigan n Kris ang nagkompirmang inalok na nga ng kasal ni Sarmiento si Kris.

Narito ang kabuuang post ni Dindo Balares sa kanyang Facebook account ukol sa kanyang ‘panganay’, “Ipinadala ito sa akin ni Kris yesterday morning, at mahaba ang kuwentuhan namin — habang nasa gitna ako ng People’s Parade of Hope, he-he…

‘Di pa ako puwedeng magkuwento ‘pag sinasabi niyang sa aming dalawa lang muna. Ang standard line ko naman, “Para kang nangumpisal sa Jesuit, Krisy.”

“Pero ngayong nag-post na siya, yes, confirmed — inalok siya ng kasal ni former DILG Sec. Mel Sarmiento.

“Alam ko ang takbo ng buhay ni Kris, lahat ng suffering and joy — and everything in between — simula noong sabihin niyang siya ang panganay ko.

“She deserves all the love this world has to offer. 💏

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beyond Zero

Beyond Zero pinatunayang ‘di lang sila pang-Tiktok

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio MATAGUMPAY at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero, ang Beyond Zero: …

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Rhen Escaño Rita Martinez

Rhen wa ker kung lesbian ang maging ka-loveteam

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio  “M ASAYAHIN din   sila.” Ito ang    gustong ipakita ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

AJ Raval

AJ trending ang pagiging Curly Elle

HARD TALKni Pilar Mateo SA mga bagong alaga ng Viva ni Boss Vic del Rosario …