Thursday , April 17 2025
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

Joey napaka-imposibleng bumalimbing

Rated R
ni Rommel Gonzales

NABABALIW na ang naniniwalang pagtatrayduran ni Joey de Leon si Senator Tito Sotto!

Kasi naman, pinag-uusapan ngayon ang mga kumalakat na pekeng larawan na nagpapakita na hindi si Senator Tito ang susuportahan ni Joey sa eleksiyon sa isang taon.

Eh sino ba naman ang maniniwala rito, eh alam naman ng lahat mula Aparri hanggang Jolo kung gaano kamahal ni Joey si Tito Sen and vice-versa.

Kaya naman mismong si Joey na ang nagbigay ng paglilinaw at pahayag tungkol sa fake news na ibang kandidato ang susuportahan niya sa pagka-Bise Presidente sa 2022 national election.

Idinaan ni Joey sa kanyang Instagram account (na may 1.4 million followers) ang paglilinaw ng TV host/comedian kalakip ang litrato nilang tatlo nina Senator Tito at Bossing Vic Sotto.

Ayon sa post ni Joey na ang IG account ay @angpoetnyo, ”Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news! Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato! 

“Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan? 

“Dun sa mga “friends” ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!”

Ang @helenstito IG account na naka-tag sa IG post ni Joey ay si Senator Tito.

Wala naman talagang maniniwala na hindi si Senator Tito ang susuportahan ni Joey, hello! Eh hindi na nga sila magkakaibigan lamang, magkakapatid na ang turingan nila kaya napaka-imposibleng bumalimbing si Joey.

Pruweba pa nito ang 42 taon na ngang umeere ang Eat Bulaga!

Oh well, ganyan naman kapag eleksiyon, kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang diskarte, siraan at kanya-kanyang imbento ng kuwento.

About Rommel Gonzales

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …