Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Vice ayaw sa korap — Hindi ako mag-jojowa

NAKATUTUWA na parang walang iniiwasang paksa na sundutin ang mga host ng It’s Showtime, at parang spontaneous lang, hindi scripted ang makabuluhang tsikahan nila.

Sa isa sa latest episodes ng hit segment ng It’s Showtime na ReiNanay, naging usap-usapan ng mga host at contestant ang pamilya ng mga corrupt official.

Naitanong kasi sa isa sa ReiNanay candidates kung papayagan ba niya ang kanyang anak na makipagrelasyon sa anak ng isang corrupt official.

Agad naman itong sinagot ni ReiNanay Ellen, ”Sa abot ng aking makakaya, kung talagang corrupt ang government official na ‘yun, babawalan ko siya.

Sambot naman ni Vice Ganda,  ”Paano kunwari naging nanay ka na tapos ‘yung tatay mo corrupt, paano ‘pag tinanong sa ‘yo ng anak mo na ‘corrupt ba ‘yung lolo ko?’

“Paano mo sasabihin sa anak mo na, “Oo, corrupt ‘yung lolo mo.’” 

“Ikaw, kaya mo?” tanong naman ni Karylle kay Vice. At sinagot niya nang, ”Hindi ko alam pero hindi ako jojowa ng corrupt.”

Sana ang mga anak at apo ang magsabi sa parents nila, o sa mga lolo at lola nila na nasa politika, nasa gobyerno, sa militar o sa pulisya na huwag silang buhayin sa korupsyon dahil pati silang mga anak at apo ay madadamay sa matinding karma ng magulang nila, o lolo at lola.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …