Tuesday , November 11 2025
Vice Ganda Calvin Abueva
Vice Ganda Calvin Abueva

Pagtatagpo nina Vice Ganda at Calvin sa Bora, ‘wag nang gawing isyu

SA buhay, sabi nga ay walang tinatawag na coincidence o mga okasyong nagkataon.

Wala kasing bumili sa paeklay ni Vice Ganda na coincidence lang daw na nagpang-abot sila ng basketbolistang nali-link sa kanya, si Calvin Abueva ng koponang Phoenix Fuel sa isla ng Boracay.

Sey ni VG, bakasyon ang ipinunta niya sa tourist spot na para ibakasyon ang kanyang ina at makapagpahinga na rin.

Kaya nasa Boracay din si Calvin ay para dalawin ang kapatid nito.

Siyempre, no one wants to believe VG’s version. Kasi nga naman, lately ay constantly together sila kaya imposibleng hindi sila nagkakaalaman ng kanilang mga itinerary.

Bale ba, ang tsika ni Vice Ganda’y nagulat pa siyang nagkrus ang landas nila ni Calvin. “O, nandito ka pala!” ang dayalog daw ni Vice when he chanced upon Calvin on the island.

Kung kami ang tatanungin, walang dapat ipag-alala si VG kung totoo mang may usapan sila ni Calvin even if they took separate flights para magmukhang disimulado.

Eh, sa Maynila nga, nagba-bonding sila, anong kaibahan niyon if they got bonded somewhere else? Hindi naman naging isyu ang closeness nila, bagkus ay marami pa nga ang kinikilig.

Huwag nang magpaka-echoserang palaka ang mahusay na gay TV host-comedian. Tinanggap siya ng publiko dahil sa talento niya, at labas doon ang mga pinaggagawa niya sa buhay lalo’t wala naman siyang napeperhuwisyong tao.

To top it all, doon siya masaya. Ipagkakait ba natin ‘yon?

ni RONNIE CARRASCO III 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, …

Ryan Bang Paola Huyong Vice Ganda Ion Perez

Ryan may ibinuking kina Vice Ganda at Ion: role model sa pag-ibig

MA at PAni Rommel Placente NAKASAMA nina Vice Ganda at Ion Perez ang anak-anakan nilang si Ryan Bang sa  7th anniversary celebration …

Mr M Johnny Manahan MVP MediaQuest

Mr M tutuklas ng mga bagong iidolohin sa TV5

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpasok ni direk Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 bilang mamamahala sa artist center …

Edu Manzano Carla Abellana Anne Curtis Dennis Trillo Alden Richards Vice Ganda

Edu, Carla, Anne, Dennis, Alden, at Vice walang tigil sa pag-usig sa mga korap

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HABANG isinusulat namin ang column na ito ay nananalasa sa buong …

VMB Viva Movie Box Valerie del Rosario

VMB ng Viva mahirap bitawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY puso at may tatak-Viva. Ito ang tiniyak ni Valerie del Rosario, …