Saturday , July 27 2024
Vice Ganda Calvin Abueva
Vice Ganda Calvin Abueva

Vice Ganda, luka-luka sa pag-ibig, pero ‘di syonga

IN many ways, maraming mga beki ang nakare-relate sa kilig-kiligan ni Vice Ganda na ngayo’y iniuugnay sa kanyang kumpare at PBA player na si Calvin Abueva.

Tulad ng alam ng lahat, may asawa’t anak ang basketbolista. Inaanak ni Vice Ganda sa binyag ang supling ni Calvin.

All-praises ang TV host-comedian kay Calvin. Ito kasi ang tipo ng straight guy na “care bears” sa kung anong sasabihin ng madlang pipol tungkol sa kanilang closeness.

Isang rebelasyon ‘yon para sa amin tungkol sa pagkatao o karakter ni Calvin. Oo nga naman, we are in a century na mas malawak na dapat ang ating pagtingin sa buhay.

Gone are the days na big deal na makitang magkasama ang isang tunay na lalaki at isang berdaderong bayot on the street nang walang iisiping malisya ang mga tao.

Bagama’t hindi natin saklaw o kontrolado ang takbo ng kanilang utak, eh, ano naman?

Calvin is certainly the type of guy na may kompiyansa sa kanyang sekswalidad. At kung haluan man ng malisya ang pagde-date-date nila ni Vice Ganda, hindi ‘yon issue para sa kanya.

Now we realize even more kung bakit itinatangi nga ni VG si Calvin. Hindi kasi siya tulad ng ibang straight guy na kailangan pang karayin ang buong tropa sa mga gimik with gay partners para lang magmukhang disimulado ang lahat.

And take it straight from the horse’s mouth (hindi naman siguro kami makaka-offend kay VG sa paggamit ng idiomatic expression na ito, ano?).

Nakaka-feminine ng feeling ang emote ni VG na, ”He makes me very happy.”

Anuman ang extent ng ibinibigay na kaligayahan ni Calvin kay Vice Ganda (dahil sa adverb na “very”) ay silang dalawa lang ang nakaaalam.

Honestly, dahil big fan nga kami ni Vice Ganda, anuman ang maging source ng kanyang joy ay nagra-rub off sa amin. Masaya rin kami sa beking ito who after all deserves to be happy.

Si VG ang tipo ng mangingibig who knows better kung paanong kalkulado rin niya ang timing ng kanyang mga pinapakawalang jokes.

Luka-luka sa pag-ibig to a certain extent pero hindi syonga. Marahil, a willing victim sa umpisa pero may isinet na siyang hangganan kung hanggang saan lang siya magpapakasyonga sa kanyang dyowa.

To Vice Ganda, just keep loving. Masarap umibig at ibigin. Care bears lang sa bashers, hindi naman sila ang nagpapasaya ng puso mo.

Nangunsinti pa kami, o!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *