Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karylle Vice Ganda
Karylle Vice Ganda

Pagpaparehistro ipinanawagan nina Vice Ganda at Karylle

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT sa gitna ng kanyang pagho-host sa It’s Showtime, isiningit pa rin ni Vice Ganda ang pagpapaalala na magparehistro para makaboto sa 2022 elections.

Sa gitna ng kanilang segment na Tawag ng Tanghalan, isiningit ni Vice ang isang maikling mensahe, lalo na sa mga ‘woke’ o ‘yung mahilig magreklamo sa gobyerno sa social media.

Paalala ni Vice,  magparehistro na ang mga puwedeng bumoto dahil napakahalaga nito.

Aniya pa, hindi puwedeng chika lang nang chika at woke woke-an sa Twitter.

Sinuportahan naman ng kanyang co-host na si Karylle ang pahayag na ito ni Vice sa pagsesegunda na dapat nang magparehistro ang mga netizen upang makaboto sa 2022 elections.

Well, hindi kaya ang dahilan kung bakit atat sina Vice at Karylle na magparehistro na ang mga tao, ay para hikayatin din nila ang mga ito, na huwag iboto ang mga congressman na bumoto ng no, na bigyan muli ng prangkisa ang Kapamilya Network?

Ganoon nga kaya ‘yun?

Pero, dapat lang namang huwag iboto ang mga ‘yun, kasi dahil sa kanila, ay maraming nawalan ng trabaho, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Dianne Medina

Dianne nababalanse oras sa pamilya at trabaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKINABANGAN ni Dianne Medina ang galing sa pagsasalita, determinasyon, diskarte, at pagiging positibong …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Ellen naglabas ‘resibo’ ng pagtataksil umano ni Derek

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BINASAG ni Ellen Adarna ang pananahimik  kahapon sa paglalabas ng resibo ukol sa imano’y …

Heaven Peralejo Suzette Ranillo Jerome Ponce Joseph Marco I Love You Since 1892

Suzette hataw, ‘di nababakante

RATED Rni Rommel Gonzales BILANG beteranang aktres at tulad ng madalas itanong ngayon sa mga …

GMA Sparkle Trenta 30th Anniversary Concert

Ika-trentang anibersaryo ng Sparkle GMAAC dinumog

RATED Rni Rommel Gonzales DUMAGUNDONG ang tilian at palakpakan sa MOA Sky Amphitheater noong Sabado …

Nadine Lustre Tattoo

Nadine deadma sa bumabatikos sa Tattoo niya

VOCAL si Nadine Lustre sa pagsasabing may tatoo siya sa kanyang katawan at hindi niya ito inililihim. …