Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gretchen Barretto, Claudine Barretto 

Greta at Claudine muling nagkampihan: demanda nakaamba sa isang kapatid

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY idedemanda ang magkapatid na kaugnay ng usap-usapang nangutang ang huli sa misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee

Kamakailan ay nag-live streaming sa Instagram si Claudine para ipahayag na ‘di siya umuutang kay Jinkee. Aniya, may nagkakalat lang ng intrigang ‘yon at may suspetsa na siya kung sino ‘yon. 

Nakakailang minuto pa lang si Claudine ng pagpapaliwanag nang biglang sumingit ang nakatatanda n’yang kapatid na si Gretchen. 

Sa tono ng pananalita ni Gretchen ay alam na niya kung sino ang naninira kay Claudine. 

Ratsada ni Gretchen: ”Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo?

“Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, ‘di ba? What time was that? Nasa cellphone mo. Two something ng umaga tapos ‘yung boses ng ex-mayor nandoon din ‘di ba? 

“One of these days po sasagutin namin ang lahat ng mga nangyayari because a lot of people are also curious kung bakit kami live ng live. 

“Mayroon kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. 

“There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer. Now, we’d rather not talk about it yet, para fair ‘yung trial na ‘yun. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice.”

Sino ba ang ate ni Claudine (na bunso sa magkakapatid na Barretto) na na-link sa isang meyor na parang ‘di na aktibo sa politika ngayon? ‘Yan ang clue sa identity ng tao na pinagsususpetsahan ni Gretchen na naninira kay Claudine. 

Abangan na lang natin ang aktwal na pagdedemanda nina Gretchen at Claudine. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …