Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Epy Quizon, Nadine Lustre, Diego Loyzaga

Nadine mapapasabak sa aktingan kina Epy at Diego

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MUKHANG mapapasabak sa aktingan si Nadine Lustre kapag natuloy na ang pelikulang gagawin niya sa Viva Films mula sa direksiyon ni Yam Laranas base rin sa pahayag noon ni Vincent del Rosario nang nakapanayam siya ng media para sa Vivamaxxed launch.

Makakasama kasi ni Nadine ang sina Diego Loyzaga at Epy Quizon na alam naman ng lahat kung gaano ka-intense ang dalawa pagdating sa pag-arte.

Siyempre hindi naman papatalo si Nadine bilang 2019 Gawad Urian Best Actress para sa pelikulang Never Not Love You na ipinalabas noong 2018 kasama ang ex-boyfriend na si James Reid na idinirehe ni Antoinette Jadaone for Viva Films.

Wala pang nabanggit sa amin kung ano ang kuwento at titulo ng pelikula nina Nadine, Diego, at Epy pero ang sigurado ay sa Nobyembre ang shooting nito.

Sa kasalukuyan ay nasa Siargao pa rin si Nadine at walang binanggit sa amin ang aming source kung kailan siya babalik ng Maynila. 

Hmm, baka naman bago magsimula ang shooting niya sa Viva ay may kasama siya sa pagbabalik? Masaya raw kasi ngayon ang aktres sa Siargao dahil nagagawa niya ang gusto niya bilang ordinaryong mamayan at wala sa harap ng camera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …