Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Crystal Brosas, K Brosas

Crystal sa nanloko sa inang si K — Magkita-kita tayo sa korte, tignan natin hanggang saan tapang niyo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TAONG 2018 sinimulang gawin ang dream house ni K Brosas sa Quezon City at umasang matitirhan na nila ng nag-iisang anak na si Crystal ng taong 2019.  Sakto sana bago mag-pandemya ng 2020.

Pero nagulat si K nang dalawin niya ang bahay na ipinatatayo dahil hindi pa tapos na ayon sa bagong contractor na tumingin ay nasa 35% palang ang ginawa.

Hindi napigilan ng Sing Galing at Lunch Out Loud host na umiyak nang makapanayam siya ng media sa pamamagitan ng zoom nitong Linggo ng hapon dahil sa pinagsamang galit at sama ng loob na sobrang pagtitipid ang ginawa niya para maipon ang P7-M ibinayad sa contractor ng bahay niya na hindi na nagpakita.

“Kasi ito na lang ‘yung ipamamana ko sa anak ko bukod sa shoes at bags (natawang umiiyak). Pero ang sakit kasi ang tagal kong nakiusap, ang tagal kong nagmakaawa pero walang nangyari,” emosyonal na pahayag ng TV host/singer.

Speaking of nag-iisang anak ni K, galit na galit din itong nag-post sa IG account niya sa taong nanloko sa nanay niya at hinamon niya na galingan daw nilang mag-punchlines sa paghaharap nila sa korte.

Post ni Crystal, ”Sa mga taong walang-hiyang gumawa nito sa nanay ko, magkita-kita na lang tayong lahat sa korte. Tignan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niyo. Dati, di ba tinatawanan at binibiro niyo pa ‘yung pagdedemanda sa inyo? Dinaig niyo pa ‘yung totoong komedyante na kliyente niyo. Doon sa korte, galingan niyo din mga punchlines niyo ha? Gawin niyong comedy bar. You are all some foolish and fraudulent clowns anyway. Then from there, let’s see who will have the last laugh.”

Komento naman ni K sa post ng anak, ”oo galit na galit din siya. Hindi ko naman siya puwedeng pigilan kasi alam din niya ‘yung mga nangyari.

“’Yung tungkol sa paghiwalay niya, siyempre bilang single mom at nag-iisa ko lang ‘yang anak natural masakit ‘di ba? Pero dahil may sarili na siyang pera sino naman po ako para pigilan?

“Unless sa akin siya humingi ng pera. O humingi sa akin ng pambayad ng koryente baka pektusan ko sila. 

“Nakatutuwa rin kasi let start them young kasi ako 18 years old ako nagsarili, so sino ako para pigilan siya.

“Basta constant communication, lagi kaming magka-text like kagabi (Sabado) nandito siya. ‘Yun lang masaya ako for her kasi mas malaki pa kinikita niya kaysa akin ‘di ba? Sabi ko nga, ‘anak sa next travel natin ikaw ang gumastos.’”

At bilang nag-iisang anak ay laging sinasabihan ni K si Crystal na laging mag-ipon.

“Utang-uta na siya sa akin sa kakasabi ko sa kanya ng ipon, ipon, ipon. ‘Wag tayong ubos biyaya meaning na ‘yung pera natin heto agad (muwestrang palabas).

“Kaya nga po ako naka-survive noong pandemic kasi nakapag-ipon ako. Ang masaklap nito ‘yung inipon kong ‘yun na hindi naman kalakihan na na-survive ko ‘yun at wala naman akong trabaho at ang laki ng overhead ko.

“Yung naipon kong ‘yun supposedly sa pang interior, bagong mga gamit, bagong furnitures and appliances hayun,”kuwento ng TV host/singer/actress.

Sa kasalukuyan ay sa inuupahang condo unit niya nakatira si K at nag-iisa na okay lang sa kanya dahil sanay siyang mag-isa.

Labis namang nagpapasalamat sa Diyos si K dahil hindi siya hinahayaang mawalan ng trabaho. Malaki rin ang pasasalamat niya sa management company niyang Cornerstone Entertainment owned by Erickson Raymundo.

“Sobrang pasalamat ko kay Erickson, grabe basta alam niya ’yun. Tapos may shows ako, itong ‘Sing Galing,’ abangan n’yo pala may bago kaming [segment na] ‘Sing-lebrity edition, simula sa September 18. Tapos mayroon akong ‘Lunch Out Loud,’ parehong TV5.

“May mga raket ako na ibinibigay ng Cornerstone. May inquiry, sana matuloy ang show sa abroad. Tapos ipalalabas na ’yung movie namin ni Elisse Joson na idinirehe ni Veronica Velasco noong December 2020 under MavX Production na sinyut sa Copenhagen, Denmark,” pahayag nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …