Wednesday , August 17 2022
Inigo Pascual Fox Monarch

Iñigo magbibida sa Fox’s musical drama Monarch

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MATAGAL ng pangarap ni Inigo Pascual na magkaroon ng international project at hindi nga lang siya natuloy noon sa Boyband dahil inisip niya ang pag-aaral na kasalukuyang nasa high school.

Lilibutin kasi ng boyband ang iba’tibang key cities sa buong Amerika bagay na hindi rin pinaboran ng amang si Piolo Pascual dahil ng mga panahong iyon ay menor de edad pa ang singer/actor/songwriter.

Kaya ginugol ni Inigo sa pagsusulat ng kanta ang hindi niya pagkakatuloy at nagbunga naman ito dahil kaliwa’t kanan ang achievements niya at awards sa mga kantang isinulat at nagawa.

Sumikat siya nang husto sa awiting Dahil Sa ‘Yo dahil ilang linggong nasa number 1 sa Billboard Philippines noong 2016 at umabot sa 76M views sa Youtube ang music video nito.

Fast forward ay hindi pa rin nawala kay Inigo ang pangarap na makagawa ng project sa ibang bansa at heto, nagbunga na dahil kabilang siya sa musical drama TV series na Monarch na eere sa Amerika sa Enero 2022.

Nitong Huwebes ng madaling araw lumabas sa Pilipinas ang isinulat ni Selome Hailu ng Variety online na isa si Inigo sa lead actor ng Monarch.

”Actor and singer-songwriter Inigo Pascual has joined the cast of Fox’s upcoming musical drama “Monarch.”

“Previously announced cast members include Beth Ditto, Trace Adkins, Susan Sarandon, Anna Friel and Joshua Sasse. The series follows America’s “first family” of country music, including mother Dottie Cantrell Roman (Sarandon), father Albie Roman (Adkins) and daughters Gigi Taylor-Roman (Ditto) and Nicolette “Nicky” Roman (Friel), and son Luke Roman (Sasse). Pascual will play Ace Grayson, Nicky’s adopted son who also dreams of becoming a country star but faces some challenges along the way.

“Pascual is an established recording artist in the Philippines, where he is based. His self-titled debut album made it to No. 1 on Billboard’s Philippines chart. His second album, “Options,” was released in June. On screen, he was most recently seen making a cameo in Jo Koy’s Netflix comedy special “In His Elements.” He has also starred in several Filipino films and television series.

“Pascual is repped by Authentic Talent & Literary Management, Cornerstone Entertainment and Goodman, Genow, Schenkman, Smelkinson & Christopher.

“Monarch” will debut midseason for Fox on Jan. 30 immediately after the NFC Championship game, with the show’s second episode airing on Feb. 1. The series hails from writer Melissa London Hilfers, who will also executive produce. Michael Rauch is the executive producer and showrunner. Gail Berman and Hend Baghdady of The Jackal Group and Sandbox Entertainment’s Jason Owen also executive produce. Jason Ensler is directing and executive producing the first episode. Adam Anders serves as executive music producer, with the series set to feature original music and covers. The series is produced and wholly owned by Fox Entertainment.”

Kuwento ng isa sa Cornerstone executive at handler ni Inigo na si Caress Caballero ay nitong Hulyo 2021 nagpadala ng audition video niya ang binata sa producer ng Monarch at na-impress ang lahat ng mapanood nila kaya ini-research nila kung sino si Inigo sa online at namangha sila dahil sikat ito sa Pilipinas bukod pa sa mga award at achievement na natanggap niya.

Nagkaroon ng face to face meeting sina Inigo at handler niya kasama ang Vice President ng Cornerstone na si Jeff Vadillo sa mga producer sa Atlanta Georgia USA at iniwan na rin nila roon ang binata.

Walang binanggit sa amin kung hanggang kailan mananatili sa Atlanta si Inigo kasama ang inang si Ms Donabelle Lazaro pero ang sigurado ay sa January 2022 ang airing ng country musical drama TV series.

Mahigpit ang production ng Monarch dahil bawal sumama ang ina ng aktor during the tapings kaya bahay at taping lang ang magiging itinerary ni Inigo ng ilang buwan.

Kaarawan ng nag-iisang anak ni Piolo nitong Setyembre 14 at magandang birthday gift ito para sa kanya at tuwang-tuwa at super proud ang buong Cornerstone family sa aktor sa pangunguna ng manager nitong si Erickson Raymundo.

Ini-repost ni Erickson ang nasulat sa Variety online, ”THE SECRET IS FINALLY OUT!!! Inigo Pascual JOINS LEAD CAST OF FOX’S MUSICAL DRAMA “MONARCH”. Alongside Hollywood iconic stars Susan Sarandon, Anna Friel, Albie Roman and many others. Another huge milestone for you Inigo. You truly deserve this big shot!

“CONGRATULATIONS!

“INIGO! TRULY YOU ARE A WORLDCLASS ARTIST! Best birthday gift for you Inigo Pascual !! So proud of you!”

About Reggee Bonoan

Check Also

Tiffany Grey Len Carrillo

Tiffany Grey, thankful sa manager na si Len Carrillo sa magandang takbo ng career

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tiffany Grey na ang katatapos nilang pelikula titledMy …

LJ Ramos

Kahit katunog ng kay LJ Reyes
LJ RAMOS ‘DI PAPALITAN ANG SCREEN NAME 

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI papalitan ni LJ Ramos ang screen name niya kahit katunog ito ng …

Precious Lara Quigaman

Lara sa best part ng pagiging ina at asawa — Everything!

RATED Rni Rommel Gonzales MASUWERTE ang beauty queen-turned-actress na si Precious Lara Quigaman dahil isa siya sa …

Arthur Cruzada ARTalent Management artists

Doc Art kinilala ang galing sa Best Choice Awards 2022

HARD TALKni Pilar Mateo Samantala, ang umaariba naman sa kanyang mga negosyo sa mundo ng …

Nic Galano Doc Art Cruzada ARTalent

Matapos ang concert sa New Music Box
NIC GALANO IKINAKASA CONCERT SA ISABELA

HARD TALKni Pilar Mateo NAKAALAGWA na sa unang hakbang niya bilang isang mang-aawit ang naging …

Leave a Reply