Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Don Ramon Bagatsing Honey Lacuna Isko Moreno
Don Ramon Bagatsing Honey Lacuna Isko Moreno

Isko at Honey naghanda vs Delta Variant — Bagatsing

UPANG mapigilan ang pagrami at paglawak ng mga posibleng dapuan ng Delta variant ng CoVid-19, puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya nang personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variat sa mga residente sa lungsod.

Sinabi ni Bagatsing, lahat ng precautionary measure ay ginagawa ni Yorme at Honey bago ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa 6 Agosto hanggang 20 Agosto.

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the CoVid-19 Delta variant. The Luneta field hospital, the free drive thru CoVid-19 testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the Delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing

Aniya, maraming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng CoVid-19 ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailangan nito.

“Maraming nagtaka, pero ngayon kailangan na ito, para hindi magkulang ng kama kung sakaling dumami ang kaso,” sabi ni Bagatsing.

Inihayag ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang CoVid-19 sa Pasko.

Nanawagan si Bagatsing sa ibang private sector na may kaya sa buhay na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Matatandaan, pinagamit ni Don Ramon Bagatsing ang kanyang mga dormitoryo sa Maynila bilang pansamantalang tirahan ng medical frontliners.

“Handa akong tumulong ulit. Dapat isang bangka tayo, it is the only way can overcome this Delta variant storm,” ani Bagatsing.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …